REINCARNATION 2

103 12 0
                                    

REINCARNATION 2

“...i know that i am not Destined to be yours...”

A/N:Real life of characters are inconsistent.

Isang Linggo ang nakalipas pero umiikot pa rin sa utak ko 'yong sinabi ni Mang Mario.Hindi ko siya natanong kung bakit at pa'no niya nasabi 'yon...

Pero sa loob din ng isang Linggo May mga nangyari na hindi ko alam.

Kagaya no'ng Huwebes,sabi raw ni Lea nakita niya akong makipag-dinner kay Herminio pero hindi ko naman ginawa 'yon.Hindi pa ako pumapayag sa mga gano'n.

I thought

Nasa library ako ngayon at pinagmamasdan lang 'yong drawing na hindi ko alam kung bakit andito 'to,hindi ko pa naman na i-do-drawing si Herminio.

"Regina?"narinig kong tawag sa pangalan ko, nilingon ko siya at tinanggal 'yong eyeglasses ko

"Regina Yes?"tugon ko kay Herminio

"Pwede ba akong maki-share?"tanong ni Herminio at tumango ako"Ano 'yan??"tanong ni Herminio

Sinara ko naman 'yong sketchbook ko

"Wala naman..."tugon ko at ngumiti

"Nagdo-drawing ka pala?"tanong niya at tumango ako"Patingin naman ng mga gawa mo..."dagdag niya at inagaw 'yong sketchbook ko

Nasapo ko ang noo ko

"Ako ba 'to?"tanong niya at 'di ko siya masagot"Ang ganda ha,tandang tanda mo pa talaga 'yong suot ko no'ng Huwebes.."sabi ni Herminio

"Totoong nagkita tayo no'ng Huwebes?"taka kong tanong at tumango siya

"nakalimutan mo na ba?"tanong ni Herminio at tumango ako na umiling"hinalikan mo pa nga ako no'n e..."natatawa niyang sabi at nahampas ko ang mesa

"Ano'ng hinalikan?'di ako gano'ng babae ha!"i said

"Wala namang masama do'n,liligawan din naman kita kung puwede"sabi niya

"Hindi ako nagpapaligaw Herminio,wala 'yon sa bokabularyo ko"pasigaw kong sabi

"Kalma ka lang,ang sabi ko lang naman kung puwede,kung hindi puwede ayos lang.."sabi niya at ngumiti

"Sorry kung tinaasan pa kita ng boses"sabi ko at tumango siya

"It's okay.."sabi niya at nginitian ko siya"Drawing kita dito?"dagdag niya at umiling ako,tumango siya.

"Nga pala ang galing mo rin pala sa History ha?..."wika niya ulit

"Ano?"tugon ko"Nagkakamali ka ata,wala akong hilig sa history for sure hindi ako magaling do'n.."dagdag ko

"'di ba tinulungan mo ako sa report ko?"sabi niya

"Wala.akong.alam.diyan!akin na 'yan"sabi ko sabay agaw sa sketchbook ko at Agad lumakad

One week had passed.After a conversation with Herminio madalang na lang kaming nagkikita nagkakasalubong.

Hindi ko rin naman siya pinapansin.

At ang magandang balita... birthday ko na sa susunod na araw..

"Regina!"tawag sa'kin kaya nilingon ko ito

Regine Velasquez Shortlist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon