Chapter 40: Second Chances

15K 260 9
                                    

Chapter 40


Lumapit sakin si Mariane na may dala-dalang isang box ng doughnuts, sabay tabi sakin sa upuan.

"Want some Kei?" tanong nya

"No thanks, busog pa ako eh. Ikaw na lang yung kumain" sabi ko

"Susubuan na lang kita." sabi nya tapos kumuha sya ng isang bavarian at sinubo sakin.

"Ria, AYOKO! Mahirap bang intindihin ang salitang AYOKO ha??" sigaw ko..

Minsan naiisip ko, bakit ko ipinagpalit si Zoe para sa babaeng to, hindi ko alam pero nagsisisi ako dahil nagawa kong iwan ang isang mabait na nilalang para lang mahalin ang maarteng nasa harapan ko ngayon.

"Eh bakit mo ko sinisigawan? Hindi mo na ba ako mahal ha? Kei naman eh" sabi ni Mariane

"Oo, nagdadalawang isip na ako ngayon kung mahal pa ba kita o hindi na. Ayoko na Mariane, napapansin ko na ring ginagamit mo lang ako sa mga ginagawa mo. Ginagamit mo lang ako para mapagselos si Zoe"

*SLAP*

"How dare you say that to me? After all the things I've done to you? Gaganitohin mo lang ako? My God Kei."

Ayan na naman sya. Ang taray taray na naman nya. Tapos englisera pa. Ano ba naman yan. Ayoko na tama na.

"Tsk. Ewan ko sayo Bahala ka na dyan" tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ko.

"KEI COME BACK HERE. I'M NOT DONE YET. HEY GET BACK HERE."

Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko na lang ang paglalakad ko.

Sinara ko ang sarili ko sa loob ng kwarto ko.

Psh =_______=

Bukas na bukas din kailangan kong makausap si Zoe. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Nagpakatanga ako ng dahil kay Mariane.

Ang Tanga tanga mo Kei. Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisngi!!!

Teka kanta yun ah.. =.=

hoy ikaw. Ikaw na nagtatype at nagsusulat ng story na to. Wag mo kong paglaruan, sasapokin kita.

(a/n: sorry (__ __")v)

psh.

**Kinaumagahan

"Kei. Saan ka pupunta?" tanong ni Mariane.

"Need to clarify things" sabi ko at tinalikuran sya.

"I want to come" sabi nya

"No need. Hindi kita kailangan doon" sabi ko

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot yun papunta sa bahay nina Zoe. Sana lang dun pa rin ang bahay nya.

Pagkadating ko sa bahay nila. May nakita akong lalaki sa may pintuan na may kausap na babae.

"Mhine. Aalis na ako ha. Bye" sabi nung babae

"Sige Mhine. Babye." sabi naman nung lalaki tapos hinalikan nya yung babae.

Pagkatapos umalis nung babae tsaka naman ako lumbas sa kotse ko. Saktong papasok na yung lalaki sa bahay ng tawagin ko sya.

"Excuse me." sabi ko

Lumingon sya at nagbigay ng nagtatakang tingin.

"Do I know you?" tanong nya

"Ahm. Maybe no. Can I ask you a question?" tanong ko

"What?"

"Is this the house of Zoe Margarette De Witt? Did she live here? Can I talk to her?" tanong ko

Pink Reaper: The Sexy GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon