Kabanata 57

75 6 2
                                    


Kabanata 57

Stir




"Ano 'to?" napakurap ako. "At... ba't ka naka-park dyan?"

"Flowers. You don't like it? Do you have your favorites?"

"Wala..."

He smiled at me at nilahad ulit ang hawak-hawak na mga kumpulan ng bulaklak. Sa hitsura palang ay... mukha nang mamahalin ang mga 'yon. I blinked and accepted them.

"For you..." aniya. "Good morning."

"Good morning..." I said that offhandedly, but I was already sniffing what he gave me. "Thank you. Pero wala akong vase."

"I'll buy you one later. We'll go grocery shopping?"

Pinaningkitan ko siya.


Umuwi na ako pagkatapos ng magkabilaang pangangatwiran namin kahapon. He walked me home because I insisted that my house was near, so he didn't have to drive. Hanggang nakauwi ako ay kung-anu-ano nalang ang pinagtatalunan naming dalawa. Now here he was again early in the morning.


Nanghihingi ng tubig pagkatapos ng pagtakbo niya sa umaga. Only this time, his black SUV was parked where our Montero should be.


"Hindi ako sigurado. Baka maglilinis ako ng bahay."


"I'll help," he nodded.

"Huh?"

"I'll help you clean your house..."

"Sure ka?" maingat kong tanong. "Baka abusuhin kita. Marami akong iuutos."

He raised a brow and smirked at me. "Do it. I can take it."

"Si Gerry nalang kaya? Mas sanay 'yon sa trabaho—"

"Why do you keep bringing Gerry up? Do you like him?"

Bahagya ko siyang tinulak nang agaran ang paglapit niya sa akin.

"Hindi. I am just saying he's more used to this kind of work—"

"I work, too—"

"I mean, manual labor. Kasi, 'di ba? Ang laki ng katawan niya. At may farm siya. Sanay 'yon na nagbubuhat. Marami pa naman akong ipapaabot na mga kurtina... e dinodoble ako ng tayog ng kisame namin," I said all of that while getting myself a glass of water to drink.

Naghanap na rin ako ng garapon kung saan muna pansamantala ang mga bulaklak. I filled an empty jar with water.

Habang ginagawa 'yon ay naabutan ko si Sir Killian na iniisa-isa ng sipat ang mga bintana namin. Our extension was made of all glass planes, kasali na roon ang sliding doors. Kaya nakapalibot din ang mga mahahaba namin ng mga kurtina. Mula sa tanggapan at kainan, hanggang sa kusina't labahan.

Nilibot niya ang tingin hanggang sa pumeywang siyang tumango-tango.

"I can do it," matigas niyang sambit.

"Huwag na—"

"I am taller than Gerry, Layla," he almost sneered. "And better body. Nagbubuhat din ako. You don't remember? I always carry you with ease."

Bumulwak ang iniinom na tubig sa butas ng ilong ko. Kingina... talaga ba?! I had to turn away from him. I shook my head. Parang mas lalo lang ata akong dumudungis sa bawat pagtapak niya sa bahay ko.

"Bahala ka nga!" I wiped the water off my nose, nakatalikod sa kanya habang tuloy-tuloy na ang paglalakad sa kusina. "Magsisimula na ako ngayon. Uuwi ka pa ba para magpalit?"

Behind CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon