Simula

3 0 0
                                    

Simula

Hate




“Congratulations!”

Lahat ng tao ay may nakapaskil na ngiti sa kanilang labi. Of course, they're all happy. Lalo na ang mga magulang namin. Who wouldn't be? Ang pinakagusto nilang anak ay ikakasal na.

At sa anak pa ng taong gustong-gusto rin nila.

Maybe they're just the one who's happy. Lahat ng family relatives ay nandito. And their family is here. Family business partners are also present. Kaunti lang ang kilala ko.

It was Marschall. Sa dami ng tao, siya pa talaga ang napili nila. Hindi naman halata sa mukha ng ate ko na ayaw niya sa taong 'yon. Pero wala siyang magagawa. Desisyon 'yon ng aming Padre de Pamilya.

Hindi ako kumibo kahit na marami na ang tao. Every place is crowded. 'Di ko kayang manatili na lugar na ganito. I wanted to go outside. Sariwang hangin ang kailangan ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. May ibang napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Dumiretso ako ng lakad, ngunit tinawag parin ako ng kapatid ko.

“Kuya Aly!” It was Anson, my younger brother.

Lumingon ako sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang lumapit siya sa akin.

“Bakit?”

He inhaled. “Tinatawag ka ni Papa. May sasabihin daw sa'yo.”

“Ano raw?”

“Hindi niya sinabi,” he shrugged.

Kaya imbes na tumuloy sa labas ay lumiko ako. Nasa 'di kalayuan si Papa habang may kausap na business partner. I cleared my throat to get his attention. Nag-excuse ang kausap niya nang humarap siya sa'kin.

“Bakit mukhang hindi masaya ang prinsesa?”

Bumusangot ako kay Papa. He laughed at me before ruffling my hair.

“Hindi ako sanay sa mga mataong lugar, Papa. Gusto ko nang matulog pero hindi ako makaalis dito.”

“Ayaw mo bang kumain?”

I shook my head. “Busog pa po ako.”

Tumango si Papa sa sinabi ko. Umiling siya saglit bago nagkamot ng batok.

“Ano pong sasabihin niyo sa'kin?”

“Oh, yeah, about that. 'Yung ibang mga bisita kasi, 'di muna raw makakauwi. So I decided to just let them sleep here.”

Kumunot ang noo ko sa narinig. “Bakit po rito?”

“No choice, anak..”

Huminga ako ng malalim at napipilitang tumango. Ano pa bang magagawa ko? As if I can do something about this!

“Ipapaayos ko sana iyong kwarto mo—”

Hindi ko na pinatapos si Papa sa sasabihin niya.

“Pa, ayoko po! Hindi ko ipapahiram ang kwarto ko!” Not my room, please!

Inawat ako ni Papa.

“Anak, please, understand.. Nakakahiya naman silang tanggihan. I know you don't want to share your room to our visitors but..” natigil saglit si Papa bago bumuntonghininga. “Please, anak.. just this one..”

“P-pero, Pa..”

Wala rin akong nagawa. Masama ang timpla kong umalis doon. Lumabas ako ng bahay nang hindi na nililingon ang mga tao. Gusto kong sumigaw sa prustrasyon pero maraming mga tao. Mas tumaas pa tuloy ang inis sa katawan ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After the Last ChaseWhere stories live. Discover now