Chapter 2

33 18 1
                                    


Chapter 2: Section Heart Broken

Marie P.O.V

Mataas na ang araw. Humahapdi narin ang balat ko dahil sa subrang init. Halos lahat na ng estudyante ay nasa kani-kanilang room maliban sa akin. 7:48 a.m na ng makaalis ako sa bahay. Kung kumilos kasi si Kuya Jack, parang pasan ang buong mundo.

"Sir sorry late" bungad ko kay Sir Castro habang hinabol ko parin ang hininga matapos ang pag akyat ko ng mabilis sa ikadalawang palapag ng building ng junior high school. "Napaka aga mo naman Ms. Dela Torre" pilosopong aniya ni sir Castro dahilan para magtawanan ang buong klase except me. 'Lagi naman akong hindi belong. But I don't care!

"Ms. Maracigan, please add late si Ms. Dela Torre," utos ni Mr. Castro kay Layla na abala sa pag susulat ng nasa bord. 'Masyado kasing study first. Agad naman akong umupo sa may gitna. "Late nagising si Kuya mo noh?" tanong ni Claire sa akin dahilan para mapa irap ako. "Diba obvious?"
mainit ulo ko ngayon dahil sa kapatid kong si Kuya Jack. Kung kumilos kasi parang pasan ang buong planet earth. Tapos kung tumulog parang wala ng bukas na naghihintay! Kainis!

"Gwapo parin naman si Kuya Jack kahit bagong gising." sabay kaming napatingin sa may gilid kung nasaan may nagsalita. Nakita namin si Kate na naka tingin sa kawalan.
Para  itong nagpapantasya habang naka ngiti sa kawalan. Napailing na lang kami dahil mukhang kailangan talagang ipagamot  itong si Kate.

Minsan nga tinititigan korin si Kuya Jack para alamin kung bakit ba maraming baliw na baliw sakanya at isa naron si Kate, one of my bff. Pero ang ending pagka dual ko. Masyado kasing mahangin! Iniisip ba namang nagwa-gwapuhan ako sakanya kaya ako naka titig. Kulang na nga lang iluwa ko lahat ng kinain ko sa buong araw dahil sa pag fe-feeling ni kuya Jack. Eww!

Singlakas ng alern level 1500 itong si Kuya Jack dahil sa kahanginan. Kulang nalang mapayid ako. Kaya pag nakasalubong mo, lumikas kana agad. Baka madala kapa kung saan.

Pumasok ang subject teacher namin sa History.
Nakita ko ang unti-unting paglabas ng ngisi nina Layla ng pumasok si Ma'am Diana, ang mama ni Carl.
"Halimbawa, si Carl ay isang bahagi ng opisyal sa pamahalaan sa Europa, so ilalagay nyo ang ambag nya at ilang detalye ukol sakanya."
bigay halimbawa ni Ma'am Diana kay Nina na humingi ng halimbawa sa presentation gagawin namin bukas. 'Kailangan ba talagang laging kasama sa eksena si Carl?! Hindi ko pinansin ang lihim na pagtawa ng mga nasa gilid ko lalo na sina Claire at Kate. Gusto ko silang sipain ng singlakas ng bundol ng SUV para madala.




* * *





Recess is coming, gutom na istudyante is walking, charot hahaha!

Bumili ako ng isang turon at dalawang banana cue. Actually diet talaga ako hahaha!
Hina kung kumain noh?
Nagulat ako ng bigla akong iiwas sa daan ng kung sino. Nakita ko si Kate. Ngumiti ito sa akin.

"Bakit?" tanong ko rito ng iiwas ako sa daan. "Sa susunod tumingin ka sa daan, muntikan mo ng mabangga si Kuya Carl." nagulat ako ng sabihin niya iyon. "Hindi nga?" hindi makapaniwala ang mukha ko. Nakita kong may itinuro siya sa pinanggalingan ko. Nanlaki ang dalawang mata ko ng makitang nandon talaga si Carl.
'Enebe nemen crush, beket kebe sened neng sened.

Dumating ako sa loob ng room. Naabutan kong nagbubunganga  na naman itong si Sir Castro dahil sa mga nagkalat na basura sa ilalim ng upuan nila. 'May bago paba? Dumerecho ako sa pag upo sa ikadalawang line ng table kung nasaan ang desk naming tatlo. Nginuya ko ang turon na parang may galit rito. 'Gutom lang ako guy's hehehe

Nakita ko ang malaking ngiti ng mga classmate kong babae. May isa pa ngang parang hihimatayin ng makita ang last subject teacher namin, buti nalang nasalo. Pumasok na kasi ang last subject teacher naming si Sir Benedick. Matangkad, maputi, at kapag tinitigan ako ay nakaka tunaw talaga.
Nagulat ako ng tumingin ito sa akin. 'Enebe nemen sir, pere nemeng shere!
Haba ng hair, pero napa irap nalang ako sa kawalan ng lumabas ito at biglang pumasok ang bago naming subject teacher sa Mapeh. Si Ma'am Erajen. Ang dakilang bungangera ng SINHS.

" Ang dumi na naman ng classroom nyo! Ilang   beses ko bang sasabihin na tigilan ang kabastusan!" bungad nito ng makapasuk sa room namin. Nawala ang kislap ng mata ng mga malandi kong classmate.
'O ano kayo ngayon?!
Dali-dali nilang pinulot ang mga nagkalat na papel sa ilalim ng kanilang upuan. "All right, please sit down." wika nito bago umupo sa may unahan. Mahinahon na ito dahil wala ng gasinong kalat.

"Who can may recall our previous discussion yesterday?" tanong nito bago tumingin sa halos lahat sa amin. Tumingin ito kay Claire dahilan para mapangiti ako.
"Ms. Dela Torre, please stand up." turo nito sa akin na syang katabi ni Claire. Nawala ang ngiti ko dahil ako pala ang tatawagin. Agad akong tumayo at hindi na hinintay pang sigawan ako nito.

"Our previous discussion is about Non- communicable diseases." wika ko  ng makatayo. Nakita ko ang pag ngiti nito bago muling nagwika. "Ano ang non-communicable diseases?" tanong nito sa akin. Nakita kong inaabangan ng buong klase kong ano bang isasagut ko dahilan para mapangiti ako. "A non-communicable disease is a disease that is not transmissible directly from one person to another. NCDs include Parkinson's disease, autoimmune diseases, strokes, heart diseases, cancers, diabetes, chronic kidney disease, osteoarthritis, osteoporosis, Alzheimer's disease, cataracts, and others. " mahabang saad ko rito. Pumalakpak si Ms. Erajen, kaya nakigaya  rin ang iba kung classmate.

Nagtatapon kami ng basura ng  makita ko ulit si Carl. Pero kasama na nito ang girlfriend nya. 'Kung maganda sya, mas magandang ako! Kung matalino sya, mas matalino ako. Kung maputi sya, mas maputi ako! Never ako mai-insecure sa babaeng yun?! Never! Nilagpasan ko lang si Carl na parang hindi ko sya nakita. Total ganon rin naman ginawa nya sakin nung bagong rating sya! Patas na kami. Gusto ko pa sanang mag flip ng hair para ipakitang wala akong pake. Kahit ipa-poster nya pa mukha nyang syota nya, wala akong pake! Dahil wala akong pake! Okay?!

Naglakad na kami ni Claire papuntang itaas para pumunta ng room of heart broken. Wala pa si Sir Castro kaya hindi pa kami makakalabas para umuwi. At muli na naman akong bumalik sa pagka lutang habang iniisip kung bakit hanggang ngayon affected parin ako sa taong binalewala ako. Matapos kong maghintay sa pag balik nya galing abroad. Tapos pag balik nya, parang ni minsan hindi ako naging part ng buhay nya.

' Ang galing! Ang galing talaga! Kapal mo Carl!
Kuhanin kana sana ni Lord, total napaka banal mo naman. Napaka perfect mo!






































©All Rights Reserve 2024

Date: Oct. 14, 2024

-moonlightstories













































You Write, I Read Where stories live. Discover now