Chapter 9

17 14 0
                                    


Chapter 9: Graduation

Marie P.O.V

"Ma naman e! Ayaw ko ngang mag dress. Tapos fitted pa." inis kong sabi kay mama. Pinipilit nya kasi akong magsulot nang fitted dress e sa graduation kami pupunta hindi naman sa party. Syaka yucks fitted dress!!! "Ano isusuot mo o isusuot mo" banta ni mama kaya no choice ako. Padabog akong pumasok sa akin kwarto para isuot ang light blue fitted dress. Sayang ang ini handa kung oversized t-shirt at maong na pantalon. 'Kainis!!

Lumabas ako matapos konang maisuot ang dress. Kita ko ang paglapad nang ngiti ni mama nang makita ako.
"Dalaga kana nga talaga"
naka ngiting wika nito habang naka tingin sa akin. Ako naman itong hindi na maipinta ang mukha. 'Ayaw ko nga kasi nang dress!! Kairita!
"Ano tara na?" tanong ni mader kay pader. Nakita ko namang tumango
si pader.

'After one minutes na byahe

"Asan naba si Jack. Nakita mo ba sya Maye?" tanong sa akin ni mama.
Marahan akong tumango rito. "Opo, ayun sya oh. Abala sa kalandian" tugon ko rito bago naka ngusong itinuro si kuya sa may canteen. Busy ito sa pakikipag kwentuhan sa magandang girl na sure akong tutuhugin na na naman nya. Iba kasi ang nararating nang kalandian nito.

"Hoy Prince Jacob Dela Torre. Halika nga dito, alam mo bang kanina pa namin hinahanap!" rinig sigaw ni mama kay kuya bago piningot ang kabilang taenga nito.
Kita ko kung paano halos umiyak nasi kuya dahil sa pingot ni mama. Mas lalo niya itong ininda nang kurutin pa sya ni mama sa tagiliran. 'Ay dasurve








* * *




"Please welcome our good and honorable principal. Mr. Federico Smith!" rinig kong anunsyo nang host bago pumalakpak. Kasalukuyan nang nagaganap ang opening nang graduation sa grade 12. Nakita ko nga si Tita Diana, ang mama ni Carl. Kausap nito ang mama ni Mara nasi Mrs. Buencamino. Nagulat ako nang hindi pansinin ni Tita Diana si Mara.
"Congratulations nga pala Maye. Sinabi sa akin ni Carl na ikaw pala ang nanalo sa Writing Competition. Sayang at may emergency ako kaya hindi ako nakapanood" naka ngiting saad nito sa akin. Nakita ko naman ang lihim na pag irap ni Mara. 'Plastik!

"Thank you po tita" naka ngiting tugon ko rito. Kahit naiinis na talaga ako. Si Carl daw ang nagsabi! At bakit nya naman ako ichi-chika. Close ba kami? Sa pag kakaalam ko, hindi na sya ang Carl na nagustuhan ko noon.
Nagbago na sya. At kinamumuhian ko ang pagbabago nya. "Naalala ko pa nga noong pareho pa kayong bansut ni Carl. Napaka cute ninyong tingnan. Kung hindi kalang nya pinsan, ikaw ang gusto kong mapangasawa ni Carl. Sayang lang at magpinsan kayo." kita ko ang panghihinayang nito. 'My god!! Di nya ba alam na nasa tabi namin si Mara?
Ngumiti lang ako rito nang marahan. No comment. Kahit ako rin naman. Hindi ko matanggap na pinsan ko si Carl, pero mas mahirap tanggapin na kinalimutan na ako nang tuluyan ni Carl. Mas masakit yun kesa sa pinsan nya ako.

"Sige, maiiiwan kona muna kayo, pupuntahan ko lang si Carl. Ikaw maye, gusto mo bang sumama?" tanong sa akin ni Tita dahilan para manlaki ang mata ko bago napa tingin sa dereksyon ni Mara. "Si Mara nalang po ang isama nyo tita. Total sya naman ang syota at hindi na po kami magkaibigan ni Carl, kaya wala nang dahilan pa para puntahan ko si Carl." mahabang saad ko rito bago ngumiti nang peke. Hahakbang na sana ako paalis nang makita ko si Carl. Kanina pa pala syang nandito.
Hindi ko siya pinansin at nagpa tuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makalayo na ako sakanila.

Wala nang bago dahil lagi namang ako ang humahakbang papalayo.
Lagi namang ako ang nagpaparaya. Lagi namang ako ang lumalayo para sakanila.
Lagi nalang.

"Hi kids, thank you so much dahil pinagbuti nyo ang pag aaral nyo.
I'm so proud of you all, sa wakas hindi na kayo mahinang nilalang." panimula ni Principal Federico. "But remember what i'm always saying. Now i will repeat for the last time. " patuloy nito.
Lahat kami nasa kanya ang atensyon. Isang huwarang principal si Sir Federico at yun ang hinahangaan ko sakanya. Sad to say na hindi sya nakapag asawa. Iwan ko kung bakit.

You Write, I Read Where stories live. Discover now