Chapter 15

3 2 0
                                    


Chapter 15: Sta. Ibarra Student Part I

Practice o bebe time
Claire P.O.V

Alas otsyo na nang umaga nang magising ako. Lagi naman kase akong tanghaling gumising except may pasok. Mabilis akong nagbihis dahil kailangan kong pumunta sa court ng sta. Ibarra. May practice kami para sa P.E.  Ballroom dance ang napili namin at ang kapartner ko ay si Angie. Mag kapartner naman si Jerald at Layla at si Leah ang kapartner ni Nathan, dahil nga wala si Marie.

Speaking of Marie. Kamusta na kaya sya? May pogi kaya syang nameet sa maynila. Sana meron tapos may picture sya. Balak ko kasing hingiin hahaha. Pero joke lang, loyal kaya ako kay Dreck kahit may   crush na sya at ang masakit pa dun, hindi ako yun. Tanggap ko na naman. Pero ang totoo, umaasa parin ako. Malay mo naman kase diba. Ako pala yun.

Nagpahatid ako kay daddy, wala kase yung driver ko. May problema daw sa tyan. Ano nga tawag dun? Yung nag aano. Yung ilang beses tinatawag nang kalikasan. Hayst! Basta yun na yun.

After 3 minutes narating namin ang court.

'Na experience nyo na yung sira na nga araw mo tapos may makikita kang mga naka hubad e wala namang six pack na maipagmanalaki.

Wala pang gasinong tao maliban sa mga skeletong pagala -gala.
Mga skeleton na naka labas sa Minecraft. Puro naman buto lagi pang inihahara ang katawan e wala namang magandang view. Apaka papansin. So let's change the topic. Naghintay ako nang ilang minuto dahil wala pa sina Layla.

'Akala koba 6AM? e ba't hanggang ngayon wala pa sila, 6:30AM na ah. Nangungupal na naman yata ang mga person.

"Hi Jerald!!" bati ko kay Jerald habang papasuk naman ito sa gate. "Yes daddy" tugon nito dahilan para mapahalakhak ako. Gago talaga ang puta! Agang- aga nangungupal. "Nandyan naba si Layla?" tanong nito dahilan para bigyan ko sya nang makahulugang tingin. Kita kong nasamid ito sa sarili nyang laway.

'Edi sana all may naghahanap. Mga pinagkakautangan ko lang yata may ganang mag hanap sakin e.

"Wala pa, mamaya pa raw sya. Naka usap ko kanina" tugon ko rito. Ilang oras kaming naghintay. Nandito na sina Jerald, Jai, MJ at LJ. Ilan sa nga kagrupo ko. "Sayang lang at wala dito si Marie" nanghihinayang kong sabi sa sarili. "Magsusulat na nga lang ako sa Wattpad." napagdesisyonan kong magsulat nalang. Total kanina pa akong naghihintay sa iba ko pang kasama. Wala pa ang trio. Oo nga pala, isa narin akong wattpader ngayon dahil sa influence ni Marie. 'gaya -gaya lang, ganon hahaha

"Hi Claire!!" napatigil ako sa ilang minutong pagsusulat ng marinig ang bati ni Layla. Sa wakas nandito narin sila. Kanina pa akong nag hihintay dito bago pa sila makumpleto. Nag retouch pa yata ang puta. Maganda na nagpapaganda pa. Edi syana all. Dati nung grade 9, sila ni Mara ang First rank sa campus of beauty. Ngayon sya nalang ang natira. Nasa pang tatlo narin ako sa rank. Hindi na ako nagulat na kasali pala ako. 'Syempre maganda yata ako, pero eme lang. Baka mamaya bagyohin ako dito.

"Tara start na" anunsyo ni pres. Si Jerald ang president namin sa loob ng room. Kaya pres tawag namin sakanya.
Nagsimula kaming mag practice ng ballroom dance. Madali lang kaya na tuom ko agad. Basic step ganon. Si Angie kapartner ko. Ako lang naman lalaki. Sa ganda kong ito, mag susuot lang pala ako ng suit. Kaluka.

"Water break muna!" anunsyo ni Layla. Umupo ako sa isang upuan, alangan namang sa sahig e sa upuan nga umupo.
Hindi ko marinig usapan nina Layla at Jerald. Halos langgamin ako nang makitang  magkatabi ito. "Puchang gala! Hindi ba sila nahihiya. Diba nila alam na nandito ako sagilid!?" reklamo ko sa isipan. Lalong nanakit ang mata ko nang bigla itong nag holding hands. "Pake respect naman po kaming mga single na nasa gilid" parinig ni Leah kina Layla. Narinig ko naman ang tawa ng dalawa. 'Ay sana all happy

"Sakit nyo sa mata!" iritable kong wika habang naka tingin sa magka holding hands nilang kamay. Kinuha ko ang saklob sa gilid bago ito isinuot at ibinababa ng kunti para takpan  ang mata ko. Masakit kasi talaga sa mata.

"Tara Angie, practice na tayo" yaya ko kay Angie na abala sa pag ce-cellphone. Habang nagpra-practice ng sayaw, nahagip na naman ng mata ko ang holding hands nina ni Jerald. Mas mahigpit na ito. "Puchang gala, lumayo nga kayo sa akin!" hiyaw ko sa mga ito bago ibato ang saklob ko sa dereksyon nila. "Takpan mo nalang mata mo Claire para dimo makita." wika nito dahilan para lalo akong mairita.

"Jai tara tayo na muna ang partner, total wala pa naman si Sam." yaya ni Angie kay Jai. Napalitan ng ngisi ang kaninang nguso kung hindi maipinta. Mukhang magbabalik yata ang loveteam nung grade 7 ah. Dating crush ni Angie si Jai nung grade 7 kami. Sad to say nagtapos rin yun. Ito namang si Jerald, since grade 7 may gusto na sya kay Layla. Mga marupok! May cb yata e Hahahaha

"Hoy Claire pano mag publish ng story sa Wattpad? Pwede nabang 1k lang yung words?" tanong nito dahilan para mapaisip ako. Agad naman akong tumango rito. "Oo, si Marie nga 1k lang words nya. Syaka dami nya naring readers nasa 1k na. Sana all" tugon ko rito. Mukhang dadami na ang wattpader sa room. Si Marie ang leader namin. Magugulat sya paguwi nya. Marami nang katulad nya hahaha
Sya naman pasimuno e.

Nag start na akong mag type sa Wattpad. Nasa chapter 8 na ako. Bali mga love story sa room ang isinusulat ko. True story sya, parang yung on-going ngayon ni Marie. Thank you sakanya kasi tunuruan nya ako. Balita ko balak ring magsulat ni Krish. Ganda talaga ng story nya. Para syang batikanang writer. Iwan lang kung pati si Kate naging wattpader narin. Tapos sya pala yung author nung paborito naming story noh. Tas sya pala kinamumuhian naming author. Sisipain ko talaga sya.

"Hoy Claire, andyan baga si Chris hahaha" asar ni Jerald sa akin. Si Chris, ang worse crush ko. Napaglaruan ko nga sa RP. Hindi ko naman kasalanan kung pati RP pinapatulan nya na ngayon. "Sino. Sinong may pake" mataray kong tugon rito. Past is past , ika nga ni Marie.

Okay na sana araw ko e. Nakita ko lang si Chris. Simula nang binasted ko sya nung grade 7, kasabay nun ang pagka sira nang friendship namin. Buti pa si Leah at Jerome. May closure. 'Closure na wala namang kami. Nung grade  9 ako naman ang nagka crush sakanya. Para kaming tanga. Binasted ko sya nung grade 7 tas ako nag habol nung grade 9.

'Beh tama na. Learned to move on, Ika nga. Si kuya Dreck ang the one mo. Wag mo ng pag aksayahan nang oras ang taong dika pinapansin. Let's move on to someone na wala nang pake sa atin.











Francis Jerald Fuentes

Francis Jerald Fuentes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Layla May Maracigan







N/A
Shot out po kay Ms. lumina. Nasa Wattpad na kita frenny. I-vote mo toh ha. Bibirahin kita kapag hindi ka nagvote. Charot lang hahaha🤣

©All Rights Reserve 2024

Date: Nov. 17, 2024

-moonlightstories




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Write, I Read Where stories live. Discover now