Chapter 14

14 10 0
                                    


Chapter 14: Missed Chapt

Carl's P.O.V during Writing Competition

Hindi naman talaga ako interesado sa competition. May gusto lang talaga akong makita. Gusto ko sana syang i-good luck kaso diko alam kung pano koba sya kakausapin. Ako naman kase itong may kasalanan kaya ako rin yung nakukunsensya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang tapat nang stage. Wala nang tao roon. 'Malamang tapos na ang event.
Balak ko sanang hiyawan si Claire para magtanung nang makita ko itong tumatakbo papalayo habang hila si Kate. "Anong nangyari sa mga yun?" tanong ko sa isipan. Abnormal talaga ang mga toh. Nang tingan ko ang pinanggalingan nang dalawa, parang namanhid ako sa kinatatayuan ko.


Kita ko nang malimaw ang lahat. Nakita ko si Marie. Nakangiting matamis habang naka tingin nang derecho sa mata nang lalaking ngayon kolang nakita.
Parang tinusok nang kutselyo ang puso ko.
"Congratulations nga pala at naniniwala akong balang araw ay magiging magaling kang author."rinig kong saad ng lalaki. Kita ko ang pagsingkit nang mata ni Marie habang naka ngiti nang malaki. 'Dapat ako yun e. Dapat ako yung nasa pwesto nya hindi sya.

Hindi kolang matanggap na yung ngiting dati ako lang ang nakakakita, ay madali lang nakuha nang taong ngayon kolang nakita. 'Bakit ba napaka dali sakanyang mang agaw.
Nakita ko ang magsilay nang lungkot sa mata ni Marie nang makita niyang may naka kapit sa braso nang lalaking bumati sakanya. Gusto kong lapitan si Maye para itaas ang ulo nitong naka yuko. Ramdam kong nasaktan sya, pero bakit? Sino ba yung lalaking yun sa buhay nya? Ano bang papel nito sa buhay ni Marie. Sana ako nalang sya, kase kung ako yun, hindi kona sasayangin yung ngiti ni Marie. Hindi marunong ngumiti si Marie. Lagi itong naka simangot. Kung minsan nama'y napaka sungit.

Hindi ko namalayang nalaglag na pala ang maliit na yellow roses kung dala. Pinagpuyatan ko itong gawin para sana ibigay kay Marie, pero wag nalang pala. Itinapon ko ito sa trashcan na malapit bago tumalikod at mag simulang lumakad palayo. 'Bakit paba ako babalik? Mas makakagulo lang ako. At ayaw konang wasakin ulit yung mundo nyang.




Amara's P.O.V  during Writing Competition

Balak ko sanang kumaway kay Carl nang makitang hindi naman ito naka tingin sa akin. Sinundan ko nang tingin, kung saan ba ito nakatingin. 'He is so blind. Sino sya para tanggihan ako?! Kapal ah

Nawala ang ngiti ko nang makitang naka tingin pala ito sa dereksyon ni Marie. May kausap itong lalaki at may itsyura kung tutuusin yung lalaki. Tahimik kong inaabangan ang magiging reaction ni Carl. Nakita kong may itinapon ito sa trashcan bago naglakad papalayo. Lakad takbo akong nagpunta sa trancan. Nakita ko roon ang yellow roses. 'Ito ang paboritong roses ni Bruha ah. Ilang years rin ang friendship namin nina Marie kaya alam ko talaga ang lahat tungkol sakanila. Pero ako rin ang tumapos nun. Bakit?
'Dahil trip ko lang

Allergy ako sa kahit anong bulaklak lalo na ang roses. Share ko lang kahit walang nagtatanong. Kahit walang may pake. Grade 12 na ako.  At oo, mas  matanda ako kay Marie nang 3 years. Magkaedad lang kami ni Carl. Ganon kami ka compatible. Pati edad perfect.



Itatanung nyo kung anong feeling ngayon na may iba si Carl na tinitingnan? Masakit. Mas masakit ngayon kasi alam kung tama talaga ako. Umpisa palang alam kunang may gusto si Carl kay Marie. Nung malaman kung childhood pala sila, nasaktan na agad ako. 'Sana ako yun e, sana ako yung kasama ni Carl nang panahon na yun, hindi si marie, kundi ako dapat. Pero bakit sya pa?
Ang pagkakagusto ko kay Carl ang dahilan kaya tinapos ko ang pagkakaibigan namin ni Marie. Nasasaktan kasi ako sa katotohanang wala talaga akong halaga para kay Carl. Na ginawa nya lang akong excuses dahil hindi sila pwede ni Marie. Nalaman ko ang katotohanan nang marinig ko ang pag uusap ni Jack at Carl.


You Write, I Read Where stories live. Discover now