Chapter 20 *feel confused*

69 6 3
                                    

*Jenny's Pov*

We are in the beach!! kasama ko tong kupal na to na hindi umiimik kahapon pa..ano kayang nangyari dito para bang sinaniban siya ng santo at sobrang tahimik niya ngayon...oh well mas ok na yun kaysa sa pagtripan niya ko at pagtripan ko din siya

"Jenny and Ryuu halina kayo! Kumain na kayo dito"

tawag samin ni mng. Ri at agad naman kaming pumunta sa cottage, pagka-akyat na pagka-akyat pa lang namin eh amoy na amoy na ang mabangong ulam na nakahanda sa lamesa, bigla tuloy akong nagutom! Yum! Yum! Ready to fight na ko!

Hindi ko na ito pinalampas at kumuha na ko agad ng adobong nakahanda sa hapag kainan pero inunahan ako ng katabi ko at sabay buhos ng buo sa plato niya!!!!!

" Tss ang takaw kaya ka nataba eh"

Sabi ng kutong lupa na nakasubsob na sa plato niya!! UWAAAA nilantakan na niya agad ang paborito kong adoboooo!!

" Heh! Eh ikaw nga diyan ang grabe makakuha ng ulam eh..may kaldereta naman ,yun pang adobo ang nilantakan mo..mng. Oh si mokong ang dami daming kinuhang adobo halos ubos na tong nasa bowl!"

Pagsusumbong ko sa kanya..hindi man lang niya ko tinirhan puro taba na yung natira sa bowl saka sabaw huhu kainis naman oh! Ang takaw takaw ng kumag na to!

" I don't care, this is my favorite dish"

"Favorite ko din naman yan eh! Talagang iniinis mo ko ah!! Mamaya patay ka sakin!"

Pagbabanta ko sa kanya pero imbis na matakot siya..hindi lang niya ako pinansin at nagpatuloy sa pagkain kaya tuloy grabe na yung simangot sa mukha ko

" Ryuu kawawa naman si Jenny oh taba nalang yung natira sa kanya! Grabe ka talaga!"

Saway ni Mng. Luke kay matakaw! Yan bagong salita na naman ang nadiscover ko wahahaha!!

" haay naku Jenny pagpasensyahan mo na yang si Ryuu ngayon niya lang ulit kasi natikman tong paborito niyang adobo puro mga delata kasi mga kinakain niyan hahaha!"

ganun? Pwede naman siya magluto! Hay naku ok! Sa kanya na

Yan..lamunin pa niya ng buong buo!

Kinain ko nalang yung natitirang pagkain dito..ang kaldereta at kare-kare at pagkatapos naming kumain eh nagkwentuhan lang kami saglit about dun sa revival song namin ni Kumag...

Ang totoo niyan contest tong gagawin naming revival song titignan kung sino ang mayroong mas magandang quality ng boses at may chance na magtanghal sa stage at maging sikat din at the same time...

Well pangarap ko din namang maging sikat at ito na siguro yung chance para magbago ang landas ko...

kaya pumayag nalang akong sumali sa pacontest na to..chance ko na to oh! aayaw pa ba? saka ipapalabas to sa tv! hihihi

" psst hoy!"

nagulat ako at napalingon sa likod,si kupal lang pala naglalakad papalapit sakin at mukhang namumula siya...? aahh siguro dahil sa init ng araw!

" ano yun!?"

sabi ko sa kanya na mukhang seryoso

parang naiilang siya na ewan nakayuko siya habang kinakamot niya ang kanyang batok

" tss...practice na tayo"

pagkasabi niya nun unting-unti umangat ang ulo niya at napatitig sakin

bigla naman akong nagulat..

dub.dub.dub.dub.dub

bakit parang nagslow motion nang tignan niya ko????

parang umiinit na tuloy tong pisngi ko!

A Vacation With Him (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon