Chapter 23

18 1 0
                                    


ito na ang gabing pinakahihintay namin..The Mini Concert..letse! kinakabahan ako habang palapit nang palapit kami sa venue unti- unti na rin kumakabog ng malakas ang dibdib ko..dyusko!!

nasa backstage na kami at inaasikaso narin kami ng mga make-up stylist, narinig naman namin ang sigawan ng mga manonood sa labas hudyat na nagsisimula na nga ang concert...

"Jenny ok ka pa ba? Namumutla ka na eh"

tanong ni mng. Ri sakin sa backstage..malapit na rin matapos yung nagtatanghal sa stage at kami na ang susunod..

" ok lang po ako, ganito po pala kapag sasabak na sa stage,feeling ko mahihimatay ako"

nataranta naman agad sakin si mng. Ri nang sinabi kong mahihimatay na ko pero syempre joke lang yun..i don't want to ruin our night

"hehe joke lang po, kabado lang po ako ngayon baka makalimutan ko yung lyrics ng kanta"

inabutan ako ni mokong ng tubig, napatingin naman ako sa kanya..a-ang gwapo niya ehem! I mean nagmukha siyang tao ngayon, tapos na pala siyang ayusan napatingin naman ako sa suot niya..a-ang hot niyang tignan sa suot niyang v-neck na longsleeves ehem! ano ba tong pinagsasabi ko...

"anyare sayo? parang ang pula mo ngayon? napasobra ata yung paglalagay ng blush-on diyan sa pisngi mo hahaha!"

tinignan ko naman sarili ko at totoo nga ang pula ng pisngi ko..aysh kasi naman eh! letse sumulpot pa kasi siya eh hmp!

"bakit mo ko binigyan ng tubig?"

" para naman mahimasmasan ka, you're nervous right? yan uminom ka and take a deep breath mawawala rin yan"

napangiti naman ako sa sinabi niya, gumaan bigla ang loob ko at medyo nawawala na rin ang kaba ko

"salamat"

pagkatapos kong sabihin yun nginitian niya ko at umalis na..haay yung kabog ng puso ko, kakaiba
hindi dahil sa kinakabahan ako o ano, napatingin ako sa lugar kung asan siya....

may gusto na nga ata ako sayo....

" Jennifer Sandoval and Ryuu GO ON STAGE!!"

Narinig namin ang pangalan namin ni kutong lupa na pinapapunta na sa stage..this is it! this really izeet izeet!!! ok kaya natin to!!

"pinapapunta na kayo sa stage Jenny, kaya niyo yan"
hinug kami nina mng. Ri at Luke at umalis na kami sa dressing room

nagsimula na ang kanta at habang kumakanta kami eh unti-unti kaming lumalabas sa stage bale yung entrance namin eh nasa opposite sides

andaming tao at lahat sila ay naghihiyawan sa saya..lalo pa silang naghiyawan ng lumabas kami ni mokong

nakita ko si Ryuu na kumakantang walang bahid na kaba sa kanyang mukha napangiti nalang ako ng ngumiti siya sakin nang magtama ang mga mata namin at kasabay nun ang paglapit namin sa isa't-isa
naramdaman ko din na hinawakan niya ang kamay ko, parang bigla akong nakaramdam ng isang libong bultaheng kuryente mula sa kamay namin na magkahawak, lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko..ano bang ginagawa nitong kumag na to? alam niya ba na nagha-hyperventilate na ako dito jusko! pero sige pa rin ako ng sige sa pagkanta pero deep inside
di na ko mapakali lalo na nang magtama ulit ang mata namin parang may nafeel akong kakaiba, ang mga mata niya kakaiba parang...parang inlove?? pati yung pag-ngiti niya sakin nakakatunaw, pati na rin yung paghawak niya sa kamay ko at ang paghawak niya sa bewang ko...nababaliw na ko..oo!

magkaharap kami ngayong kumakanta at hawak-hawak parin niya ang kamay ko..nagulat ako ng yakapin niya ko sa bewang at magkadikit na ngayon ang aming mga noo at habang yakap-yakap niya ko wala pa ring tigil kami sa pagkanta

Lalo lang nagtilian ang mga manonood at para na silang mga labas sa mental, hiyawan to da max!

sa gilid ng mata ko parang nagkakagulo yung mga staff napatingin ako sa sa likuran ni mokong kung saan nagkakagulo ang lahat

napabaling ang atensyon ko sa kanila..may parang tinuturo sila sa taas at parang pinapaalis kami? pero bakit? napatingin ako kay Kumag na nakatingin sakin kung bakit? napatingin siya sa likod niya at nakita niya din sila na parang may itinuturo sa taas at naghahand gesture na umalis kami sa kinatatayuan namin

humiwalay kami sa pagkakayakap ni Mokong at tumingin siya sa taas pero bago pa ko makatingin sa taas naramdaman kong may mabigat na bagay na tumama sa aking likuran..biglang akong napabagsak sa sahig at ang huli kong natatandaan ay ang mukha ni mokong na sobra ang pagaalala....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Vacation With Him (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon