Kabanata 3

200 24 9
                                    

Cake

Isa-isa dumating ang mga kaibigan namin. We decided to take one of the gazebos too. Dumadami na rin kase ang mga tao at nakakakuwa na kami ng atensyon dahil sa ingay ng mga kaibigan namin.

“I’m sorry, I’ll buy you a thousand damn cheesecakes!"

I rolled my eyes at him. He’s wearing my cap right now. Kinuha niya ito kanina at kahit anong kuha ko pabalik dito ay hindi ko makuha pabalik.

Kinalabit ako ni Fallus nang hindi ko siya pinansin. I’m sitting and busy scrolling on my phone, ignoring him. I ignored him because I'm pissed. How can he eat my cheesecake without my permission?! Tangina niya! Kahit palitan niya pa ng libo-libong cheesecake ‘yun hindi ko tatanggapin.

“Magkaaway na naman kayo?” puna ni Dian pagkadating nito.

Sina Dian, Erald, Asric at Reiven palang ang dumating at hinihintay pa namin ang iba.

“Kinain ni Fallus ang cheesecake ni Ame,” sagot ni Ise kay Dian.

Nagkibit balikat naman si Dian, na para bang sanay na ito. Suminghap si Reiven nang marinig naman niya si Ise.

“Anong cheesecake ‘yan Fallus? Kanain mo cheesecake ng pinsan ko?!”

Isang batok mula kay Asric ang natanggap ni Reiven.

“What, Pre?”

“Mahiya ka sa pinsan mo. I know you’ve got other things on your mind.”

I didn’t understand what they were saying, so I stood up. Fallus stood up quickly too. I faced him and glared at him.

“I’m going to comfort room. Sasama ka?”

“Mag co-comfort room din ako,” sagot nito na may alanganin ngiti.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hinayaang nakasunod sa akin si Fallus, hindi ko na rin muling binalingan ito.  Fallus was still behind me when we reached the comfort room, but we separated when I entered the women's restroom and he entered the men’s restroom. Tahimik ang loob ng banyo dahil ako lang mag-isa roon. Mabilis akong natapos at pagkalabas ko ay naroon sa labas si Fallus, naghihintay. Naghihintay ngunit may kausap na dalawang babae.

Kung hindi ako nagkakamali ay sila rin ang dalawang babaeng kasabay nila Brady kanina.

Nagtama ang mata namin ni Fallus kaya mabilis akong umirap sa kanya. Dumaan ako sa gilid dahil nakaharang sa daanan ang dalawang babae. Hindi ko na hinintay si Fallus dahil abala pa ito sa pakikipag-usap, o mas tamang sabihin nakikipaglandian. Kita ko kase malagkit na tingin ng dalawang babae sa kanya.

Kita mo itong si Fallus, dadagdagan na naman niya ang mga babae niya tapos sa bandang huli ako na naman ang sisihin ng mga ito kapag hindi sila nagustuhan pabalik ni Fallus.

Parang tanga din ang mga babae nito. Kapag hindi sila nagustuhan ni Fallus ako ang sinisisi. Ano? Parang lang may masisi sila, ganoon?

I heard Fallus say his goodbye to them. After that, I heard his hurried footsteps got closer to me. He called me, but I ignored him, and I even walked faster, but when he called my name loudly, my steps became slower and slower.

“Can you go first? May bibilhin lang ako,” wika nito nang maabutan niya ako.

I rolled my eyes. Why bother calling me if he wants me to go first? If I know, kunwaring may bibilhin lang ito pero ang totoo babalikan niya lang ang mga babaeng kausap niya kanina.

“Go.  Do whatever you want.”

Without waiting for a reply , I turned my back to him and continuing on my way.

Unaware Feelings (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon