Kabanata 18

80 21 10
                                    

Plan

“Hija, why don’t we continue your birthday party? Sayang naman kasi ‘yung hinanda kong party para sayo. Pwede naman i-celebrate ang 18th birthday mo kahit tapos na ito,” my Mommy said.

Nasa hapagkainan kami ngayon. Patapos na ako sa aking pagkain, ngunit napatigil ako sa pagsubo dahil sa pagbubukas ni Mommy  tungkol sa pagdiriwang ng aking kaarawan na hindi naman naituloy. Dahil nga sa nangyari kay Shire, hindi ko tinuloy ang gustong pagdiriwang ni Mommy. I don’t want to celebrate while our friend is suffering. Ang tanging pagdiriwang lang na ginawa namin nang araw ng kaarawan ko ay ang kumain. Kumain kaming magkakaibigan habang nasa kwarto ni Shire at binabantayan ito. Hindi naman ako nagreklamo sa gano’n, bagkus mas gusto ko iyon kesa magdiwang kasama ang ibang mga tao.

Ngayong alam ni Mommy na maayos na si Shire, hindi na ako nagtaka sa sinabi nito. Si Mommy lang naman ang may gusto sa magarbong kaarawan ko. Kaya kahit tapos na ito, pilit niya pa rin akong kinukumbinsi tungkol dito.

“Mommy, ayos na po ako sa mumunting pagdiriwang ng kaarawan ko,” tanging sagot ko rito.

Bumuntong hininga nalang si Mommy tanda ng pagsuko nito.

It’s been a week since Fallus confessed his feelings for me, and it’s been a week since I have been ignoring him. Hindi naman ako nito pinilit pa, ngunit dahil madalas pa rin kaming magkakasama magkakaibigan, nahihirapan ako sa pag-iwas sa kaniya. Sa loob ng isang linggo pag-iwas ko sa kaniya ay tila nauubos ako na parang kandila. Masaya mang tignan, pero natutupok naman ang aking kalooban.

Alam na rin ng mga kaibigan ko ang balak ng mga magulang ni Dian. My friends are so worried about Dian, but despite their immense worries for her, they knew they couldn’t do anything on her parents’decision.  Lalo pa at si Dian ay gustong ring sundin nito ang nais ng kaniyang mga magulang.

Tahimik naman ako tungkol dito. Hindi naman nila ako pinuna sa pagtahimik ko, lalo na’t alam nilang iniiwasan ko si Fallus. Tulad pa rin sa dati ang pagsasama naming magkakaibigan. Masaya pa rin silang kasama, kaya lang naiilang ako minsan. Sa pagnakaw ng tingin sa akin ni Fallus. Sa pagtawag nito ng Mimi—ang binigay niyang palayaw para sa akin. Ang mi-misan pagtabi namin sa upuan. Lahat ng maliit na bagay na ‘yon ay nagpapailang sa akin. At ang lalong nagpapailang sa akin ay ang madalas na pagkwe-kwentuhan at pagtawanan nina Fallus at Dian.

Fallus told me that he still likes me even though I like someone else. Napaisip tuloy ako sa sinabi nito. Totoo ba ito o hindi? Dahil kung totoo ito, bakit parang wala man lang ang lahat sa kaniya? Bakit parang ako lang ang nahihirapan sa aming dalawa? Sabagay, mukhang tanggap na tanggap naman nito ang balak na pagpapakasal nila ni Dian.

“How about your plans to study in Manila? Itutuloy mo ba ito, hija?”

Tumango ako kay Mommy at pinagpatuloy ang aking pagkain.

I decided to study in Manila. Sa ibang bansa pa sana ang gusto ko, ngunit baka makahalata ang  mga kaibigan ko. Baka maitanong ng mga ito kung bakit lubos ang pag-iwas ko kay Fallus kahit wala naman akong nararamdaman dito. They believed me when I said I liked someone else. Mabuti nalang at naniwala ang mga ito kaya napanatag ako. Kaya naman kahit gusto kong mag-ibang bansa, hindi ko magawa. Baka hindi na  maniwala ang mga ito na wala akong gusto kay Fallus.

“Are you sure, Amethyst?”

“Yes, Mom. I w-want a new e-environment,” nauutal kong wika dahil sa pagsisinungaling.

Fuck the new environment! Ayoko ngang tumira sa syudad. Napipilitan lang ako.

“If that’s what you want, hija. I heard Reiven wants to study in Manila too.”

Unaware Feelings (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon