Kabanata 17

83 19 30
                                    

Gusto

I want Fallus to let me avoid him. Gusto kong hayaan na niya lang ako para maging madali ito para sa akin. Tutal may balak na silang ipakasal nina Dian kaya hindi na niya dapat punahin ang hindi ko pagpansin sa kaniya.

"Hindi, Fallus. Hindi naman kita iniiwasan. Parang tanga naman!" Tumawa pa ako ng mahina.

Bigla namang sumulpot si Brady kaya napatingin kami rito, ngunit siya ay abala siya sa kaniyang cellphone at hindi man lang kami nito dinapuan ng tingin. Deretso lang ito sa paglalakad na para bang walang ibang nakikita.

"Then, why are you so quiet? Magmula kahapon tahimik kana."

Mula kay Brady ay muli akong tumingin kay Fallus. Ang madilim nitong mukha ay may kakaibang dulot sa akin. Tila ba kapag may mali akong nasabi sa isang iglap pwede ako nitong ipatapon sa labas.

Sumandal ako sa pader. I look at him with a poker face. I crossed my arm over my chest and I raised my brow. Kahit na kinakabahan ay pilit akong naging mataray sa harapan niya.

"Uh-uh, bawal na maging tahimik?"

Siya naman ngayon ang tumaas ang kilay sa sagot ko. Itinagilid niya rin nang bahagya ang kaniyang ulo at pinakatitigan ako gamit ang kaniyang seryosong mga mata. Sinuklian ko naman ang tingin niya kahit halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Don't trick me with your poker face, Amethyst. I know you. Alam kong lahat sayo." pagbabanta nito.

Malakas naman akong suminghap. Umalis ako sa pagkakasandal at tumayo ng tuwid. Magsasalita na sana ako ngunit natigil ako nang sina Hevo at Asric naman ang biglang sumulpot. Tumatawa ang mga ito galing sa kanilang usapan ngunit nang makita kami ay tumahimik ang mga ito.

"Nag-aaway na naman kayo?" puna ni Asric.

Hindi ako sumagot sa kaniya at gano'n din si Fallus dito. Akala ko ay aasarin pa nila si Fallus, ngunit nagkamali ako nang daretso sila umaykat kung nasaan ang kwarto ni Shire.

"Now, tell me. May problema ba? Bakit iniiwasan mo ako magmula kahapon?"

Umiwas ako ng tingin dito. Ang kaninang tapang-tapangan at taray-tarayan ko ay biglang nawala dahil sa lambot ng boses nito.

Why can't he just let me be quiet? Why can't he just let me avoid him? Mahirap na iyon? Because I'm trying my best here!

"Oh my god, Fallus! I'm not. You're just overacting. Bakit naman kita iiwasan?"

Hindi nagbago ang tingin nito sa akin. Madilim at seryoso. Kahit na halos natatawa ako sa bawat sagot ko.

"Bakit mo nga ba ako iniiwasan?" parang patibong na tanong nito.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam na ganito pala kahirapa itago ang tunay na nararamdaman. Lalo na't maling salita ko lang, maaring mapalayas si Dian ng kaniyang mga magulang.

"Stop it, Fallus. Hindi kita iniiwasan. Okay? Magtigil ka sa kakaisip mo ng ganyan dahil nababanas ako," hindi ko na napigilan ang sariling mainis sa kaniya.

Bago pa ito makasagot ay tinalikuran ko na siya. Mabibilis at mabibigat ang mga yapak kong umalis sa harapan niya. Nang makarating ako sa kwarto ni Shire ay pagbagsak akong naupo sa sofa na siyang kinagulat nina Hevo at Asric. Maging si Brady ay napatingin sa gawi ko mula sa kaniyang cellphone. Nakaupo kase ang mga sa mahabang sofa kung saan ako pagbagsak na naupo.

"Whoa! Anong nangyari, Ame? Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo?" tanong ni Hevo habang may ngisi sa kaniyang labi.

Hindi ko ko ito pinansin at pinikit ko nalang ang aking mga mata. Sumandal ako sa sandalan ng sofa at ang aking ulo ay hinayaang mahiga rito. Mukhang hindi rin agad sumunod sa akin si Fallus. Mabuti iyon upang kahit papaano ay maikalma ko ang sarili ko.

Unaware Feelings (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon