Simula

247 27 10
                                    

Hulog

"May mga babae talaga na kahit hindi nila jowa pinagdadamot nila. Mga delulu ba."

Ise is with me and we are here today at the cover court of our barangay. Sina Erald, Dian at Shire ay papunta palang dahil may nilakad pa ang mga ito. But I doubt they will arrive in time for the game because it's almost over.

It's Sunday today, and we don't have class. After we went to church earlier, our friends invited us to watch their play. They love playing basketball, kahit na lagi naman silang bangko.

I think they just want to play basketball because they want more attention from girls who are always cheering them on. Gusto lang kase nila mas dumami ang mabaliw sa kanila.

Eh, hindi naman magagaling maglaro. Lagi pang bangko.

Especially Fallus, he was always called for personal foul. Gusto yata nito suntukan at hindi play ng basketball.

"Kaibigan lang naman, akala mo girlfriend," pagpapatuloy ng mga nakaupo sa bench, katulad namin.

Ise glared at the two girls who were sitting beside us. Hinawakan ko naman ang kamay nito at umiling sa kanya. Kakagaling lang namin sa simbahan at ayoko munang mapaaway.

Yes, muna! Ayoko muna dahil lagi akong napapaaway. Ang mga nagkakagusto kase kay Fallus ay ako ang pinupuntirya. Hindi ko alam kung bakit galit silang lahat sa akin. Some girls reason is that I'm always close to him and we're always together, which is I don't understand.

Like, hello? He's my friend. What do they want me to do? Iwasan si Fallus?

Sila nga itong mga feeling girlfriend diyan kung pagbawalan at awayin ako para bang kanila si Fallus. Obvious naman ayaw sa kanila ni Fallus. Kung may gusto kase si Fallus sa kanila, si Fallus ang mismong lalapit.

The game is finally over, and my friends won. Larong magkakabarangay lang ang laro nila. Pampalipas ng oras kung tawagin nila, pero para sa akin ay pagmamayabang time ito.

Kumunot ang noo ni Fallus nang mapansin niya ang busangot kong mukha habang papalapit siya sa amin. Nakasunod sa likod niya ang mga kaibigan naming abala sa pakikipag-usap sa isa't isa.

"What happened?" tanong nito pagkalapit niya.

Kinuwa nito ang kaniyang tuwalya sa aking kandungan. Pinunasan nito ang pawis niya habang ang kaniyang mata ay nasa akin.

I rolled my eyes at him.

Kahit kailan ang mga babae nito sinisira ang araw ko.

Umupo ito sa tabi ko dahilan upang ang pawisan niyang braso ay dumikit sa akin. Umusog ako palayo sa kanya. Tinaasan naman ako nito ng kilay dahil sa ginawa ko.

"Ayusin mo nga ang mga babae mo."

"What? I was playing basketball the whole time. Anong babae? May nakita kabang babae ko riyan?" he said. Playing safe again.

I rolled my eyes at him again. Umusog naman ito palapit sa akin.

"Oo. Mga nasa tabi-tabi lang sila," wika ko.

Doesn't he notice all the girls staring at him?And what he's doing right now? Pilit siyang dumidikit sa akin kahit patuloy ako sa pag-usog palayo sa kanya.

Kaya ako ang pinupuntirya ng mga lintik na babae nito, e! He didn't know the word personal space.

"Ano ka ba! Dumidikit sa akin ang pawis mo," singhal ko rito at napalakas ang boses ko.

Nagsinghapan naman ang mga babaeng nanunood sa kanya. I rolled my eyes in the third time because of their reaction.

What? Bawal akong mag-inarte rito?!

Unaware Feelings (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon