Kabanata 12

65 8 5
                                    

Lunod

I don’t understand how people can easily forgive. Bakit ang dali nilang magpatawad samantalang ako nahihirapan sa gan’on. I am that bad? Sobrang bait lang ba nila kaya gan’on? O sadyang maldita lang ako kaya hirap din akong magpatawad? Is not like I can’t forgive. Sino ba naman ako para hindi magpatawad. Ang sa akin lang naman,  kapata-patawad lang ang siyang pinapatawad.

In Rouel’s case, I still don’t know what his secret actually is, so okay, I’ll forgive him. Isama na rin natin ang magaling kong pinsan at si Fallus na hangang ngayon ay pinapatibok pa rin nito ang aking puso sa kakaibang ritmo kahit na madalas ay naiinis pa rin ako sa kan’ya.

“I know our friend’s happiness is at stake here. Kung makikialam ako—tayo sa relasyon meron sila, hindi ba’t parang tumutol tayo sa kaligayan ni Shire? Can’t you see Shire happiness when she’s around with Rouel? I can’t tell you what Rouel’s secret is. Call me a liar or accomplice of the devil or whatever you want, but I can’t take Shire’s smile right now. Kung darating man sa puntong masaktan si Shire sa sikreto ni Rouel, handa akong maging sandalan niya. And that’s what friends are for. Staying by their side when hard times and bad times came,” paliwanag nito sa akin dahilan upang mawala ang inis ko.

At s’yempre, sino ba naman ako para hindi pakinggan ang makabagbag damdamin na paliwanag ni Fallus. Maldita lang ako pero hindi matigas ang aking puso.

Ang problema ko lang sa sinabi nito ay ang handa siyang maging sandalan ni Shire. Syempre hindi ako papayag doon. Ako ang sasandalan ni Shire at hindi siya! Kaibigan ko rin naman si Shire at hindi lang siya ang may kaibigan dito.

After a long week, nag start na rin ang OJT namin. At ngayon ay ilang weeks na kaming nasa mga business ng mga magulang namin, since sa kanila kami nag take ng OJT. Sa gitna nga ng ilang linggong pag o-OJT namin, nagkaroon kami ng problema. Nalaman ng iba naming kaibigang lalaki na may sikreto nga si Rouel sa mabait naming kaibigan kaya naman sumugod ang mga ito kahapon sa opisina ni Shire, sakto naman na naroon kaming mga babae.

Nagkasagutan sila, samantalang kaming mga babae ay litong lito. Pilit na pinapaamin ang mga kaibigan namin sa nalalaman nila tungkol sa sikreto ni Rouel, ngunit wala na nagawa ang iba nang sabihin ni Shire na girlfriend na siya ni Rouel. My kind friend didn’t care about Rouel’s secret. She took the risk and decided to trust Rouel on everything. I admire her for that. Kung ako siguro ang napunta sa posisyon niya ay baka sinapak ko na si Roeul sa mukha.

Kaya naman pagkatapos na humingi ng tawad ng mga kaibigan naming lalaki kay Shire, we decided na pumunta sa bahay nila. Her mom seems to have found out what happened yesterday that’s why she invited us for lunch. Todo naman ang tangi namin ng mga kaibigan ko tungkol sa nangyari kahapon para hindi na ito mag-alala pa.

“Mimi, what’s wrong? Hindi mo pa rin ba ako pinapatawad?”

Nasa pool side kami ngayon habang si Shire ay apala sa pagkain. Nakaupo ako sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nakalublob sa tubig. Ang iba naming mga kaibigan ay abala sa kani-kanilang ginawa. Sina Reiven at Fallus ay kanina pa lumusong sa tubig. Nagpapaligsahan ang mga ito kanina sa paglangoy ngunit nang makita nila ako ay tumigil ang mga ito at lumapit sa akin.

Nakapagpalit na rin ako ng damit. Naghiram lang ako ng t-shirt at short kay Shire, gano’n din ang iba. Samantalang sina Reiven at Fallus na ngayon ay nasa  tubig ay tanging boxer short lang ang suot. Naiilang nga ako rito kay Fallus, ngunit syempre, hindi ko ito pinahalata at baka malaman pa nito ang lihim kong pagtingin sa kan’ya.

“Pinsan, patawarin mo na kami ni Fallus. Si Shire nga hindi naman niya dinamdam ‘yon, kaya wag ka na rin magtampo sa amin,” malumanay na wika naman ni Reiven.

Unaware Feelings (Barkada Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon