Dilim
Seeing my friends suffering makes my heart break into pieces. Ang makita ang mga mata ni Shire na walang buhay ay napakasakit para sa akin. Ang makita siyang naghihirap ay tila bang may matulis na bagay na dumidiin sa aking puso.
Rouel dead on arrival. He got into an accident on our graduation day. Ang sanang masaya naming celebration ay nauwi sa masakit na pangyayari.
“A-ayoko rito. Ise, Ame, a-ayoko rito. Ayoko rito!” Shire said between her sobs and loud cries. Tanging boses lang ang maririnig niya sa pasilyo nitong hospital.
Nang dumating kami sa hospital hindi na ito umiiyak. Tulala lang s’ya kanina at walang bakas na emosyon ang mga mata. Ngunit ngayong halos ayaw nitong pumasok sa silid na kinaroroon ni Rouel ay s’ya palang magbibigay ng boses sa tunay ng nararamdaman n’ya.
Mabilis namin siyang inaalalayan ni Ise nang tumayo ito mula sa pagkakaupo, ngunit maging kami ni Ise ay nanghihina sa pangyayari kaya muntik na kaming tatlong mabuwal sa aming kinatatayuan. Mabilis naman akong nasalo ni Fallus, gano’n din si Hevo kay Ise. Samantalang si Shire ay mabilis na nahulog sa mga bisig ni Reiven.
“R-reiven, uwi na tayo. Wala naman si Rouel dito,” wika ni Shire. Nagpupulit maglakad kahit nahihirapan ito dahil sa paghihina.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko at unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata nang makita kong nahihirapan silang tignan si Shire sa kalagayan n’ya. Puno ng sakit at awa ang tanging mababakas sa kanilang mga mukha.
“A-ayoko ko rito. Wala si Rouel dito.” Umiling si Shire ng paulit-ulit. Patuloy pa rin ang pagbuhos nito ng luha na s’yang mas masakit tignan.
Hindi nakagalaw si Reiven. Nakatulala lang ito kay Shire. Ang kaniyang mga kamay ay mistulang bakal at hindi nito maigalaw. Mabilis naman lumapit si Dian at Erald kay Shire upang sila ang umalalay rito.
Bakit lagi ang mababait ang s’yang sinasaktan? Bakit hindi nalang ito ibigay sa mga masasama. Kailanman ay hindi naging malupit si Shire kanino man. Kaya bakit binigyan siya ngayon ng ganitong malupit na pangyayari?
Hindi ko nakita si Shire na nagmahal ng ganito kalalim. Hindi ko si nakitang naging masaya sa iba, katulad kung paano siya naging masaya sa piling ni Rouel. She took a risk. Wala man kasiguraduhan, minahal niya ng buong puso so Rouel. Sa gitna ng lihim nito, pinili niyang magtiwala kay Rouel. She’s so kind and understanding. Kaya bakit? Bakit nangyayari ito sa kan’ya.
“Dito ako matutulog,” wika ni Dian na para bang wala sa sarili dahil nakatulala lang ito.
Nasa bahay na kami nina Shire. Nakatulog ito sa sasakyan kanina sa sobrang pag-iyak. Hindi ko alam kung magpasasalamat ako dahil doon o maaawa sa mabait kong kaibigan. Kung hindi pa kase ito nakatulog, hindi ito titigil sa pag-iyak.
Nakaupo ako sa pang-isahang sofa sa sala nina Shire. Sa harapan ko naman ay sina Erald, Ise at Dian, magkakatabi sa mahabang sofa. Si Ise ay nakapatong ang kaniyang ulo sa sandalan ng sofa habang nakapikit. Buhaghag na buhok habang nakatulala naman si Dian. Si Erald ay tahimik lang habang mugto ang mga mata. Kakatahan lang din nito sa pag-iyak. Naiwan naman sina Reiven, Fallus at Brady sa kwarto ni Shire. Sina Asric at Hevo ay katulad ko, nakaupo sa pang-isahang sofa habang tulala at madilim ang mga mukha.
Marahas na ginulo ni Hevo ang kan’yang buhok bago ito tumayo. Wala itong sinabi at tuloy-tuloy lang sa pag-akyat sa hagdan papunta sa kwarto ni Shire.
Pumikit naman ako ng mariin, isandal ang ulo sa sandalan ng upuan.
“I need to go home. Magpapaalam muna ako na rito muna rin matutulog,” halos pabulong na wika naman ni Erald.

BINABASA MO ANG
Unaware Feelings (Barkada Series #2)
RomanceAmethyst Santos is secretly in love with Fallus Muan. The two are like water and fire. Despite their differences and disagreements, they've found a way to create a unique harmony, and they always settled their arguments. Amethyst didn't know when sh...