Chapter 1: My Almost

145 7 25
                                    


Shan

As I stood in front of the mirror, fixing my hair for the KTV party tonight, I couldn't help but smile. August 18, 2021—it's my 1st anniversary as an apprentice at Eco Arc Design. The feeling of pride and accomplishment was overwhelming. I mean, being part of one of the top architecture firms in the Philippines is no joke, especially one that emphasizes sustainability and organic design. It felt surreal.

"Shan, okay na?" tanong ni Christine habang nag-aayos din sa kanyang sariling kuwarto. Kahit mahiyain, laging may lambing ang boses niya.

"Tine! Can you help me with this dress?" I called out, turning around to show her my outfit.

Suot ko ang isang chic black dress na may mga eleganteng green accents. Ang neckline nito ay sweetheart, at ang fitted bodice ay nakadagdag sa aking silhouette. Sa bawat galaw ko, tumatayo ang tela, at naiisip ko kung gaano ka-sophisticated ang itsura ko. Sa mga nakaraang taon, inalagaan ko ang buhok kong mahaba at itim, pero sa loob ng anim na taon, pinili kong panatilihing maikli ito at dyed blonde.

"Ang ganda! Saktong-sakto sa iyo," Christine said, stepping out of her room, adjusting her pretty blue dress that matched her personality perfectly.

"Thanks! Ready na ba si Christian?" tanong ko, sabik na rin na makumpleto kami.

"Yeah, he's almost done," Christine said as she finished the last touches of her makeup.

Christian finally stepped out of the bathroom fully dressed, looking sharp in a fitted shirt and jeans.

"Ang cute mo!" sabi ni Christine, nakangiti.

"Thanks, pero we all know I'm the smallest," he joked, striking a pose.

"Size doesn't matter! It's your charm that counts!" I teased, knowing he loved the attention. "Let's take a selfie before we go!" I suggested, pulling them closer for a group photo.

"Alright, guys, tara na! Baka ma-late tayo sa surprise ni Tek Carlo!" sabi ko.

Sa wakas, oras na para lumabas. Mula sa 14th floor, binuksan ni Christian ang pinto ng unit namin, at sabay-sabay kaming naglakad palabas. Malamig ang hangin sa hallway, at maliwanag ang ilaw mula sa mga bintana. Tumigil kami sa harap ng elevator at sabay-sabay humiling na sana ay maging walang aberya ang gabi.

Habang nasa elevator kami pababa sa lobby, masaya akong nag-iisip tungkol sa party. Pero sa gitna ng excitement, tumunog ang phone ko—tumatawag si Architect Mariano.

"Tek, meet me at SM Megamall. Ngayon na. Nagpatawag ng biglaang meeting 'yong isa sa mga kliyente natin, si Sir Tadeo," sabi niya, walang pasakalye.

"Okay po, Tek Carlo," sagot ko, na may ngiti pa rin. Hindi na ako nagulat. Sanay na ako na bigla siyang tumatawag para sa mga emergency meetings. All I wanted was to celebrate today, but...fate had other plans as always.

Pagdating sa lobby, nagtinginan kami nina Christine at Christian. "Guys, kailangan ko munang umalis," sabi ko, pilit na ngumiti kahit medyo naiinis sa sitwasyon. "Meet you later sa party."

"San ka pupunta?" tanong ni Christine, naguguluhan.

"SM Megamall. Just book a Grab at siguraduhin niyong Luxe Note Hotel ang bababaan niyo, okay?" sabi ko habang naglalakad papalayo.

"Got it! Ikaw na bahala, Shan! Good luck!" sabi ni Christian, sabay thumbs-up.

"Thanks! Kayo rin, enjoy!" sagot ko bago ako tuluyang umalis.

Habang naglalakad ako papunta sa parking area, sumagi sa isip ko ang mga katrabaho ko at ang party mamaya. Pero ang trabaho ay trabaho. Sana 'wag masyadong magtagal ang meeting para makaabot ako mamaya sa party.

At Last, HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon