As I made my way to the office, parang di natatapos ang mga bumabati sa akin. Every corner, every hallway, may sumasalubong sa akin na nagco-congrats.
"Tek Shan! Bali, ha? Bigtime ka na talaga!" sabay tapik ni Architect Harry, isa sa mga senior architects. Tumawa ako, trying to keep it light.
"Nako, hindi naman po Tek," I replied, giving him a polite smile. Pero sa totoo lang, parang ang bigat ng pumasok ngayon. Alam kong dapat akong maging masaya, pero hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari.
Pagdating ko sa third floor, si Ms. Alma naman, head ng admin team, agad akong sinalubong. "Congratulations, Shan! We're so proud of you! Deserve mo lahat ng nainom mo kagabi. Big celebration, huh?"
I laughed a bit, feeling the slight pang in my head from the hangover. "Ah, opo, medyo naparami nga po kagabi. Pero salamat po, Ms. Alma."
Sumingit din si Rafa, ang matagal nang interior designer sa team. "Tek Shan, ang layo ng narating mo! You really deserve this. Bali, and working with a big name like Architect Pablo Roman—grabe, saludo kami sa 'yo!"
"Thank you, Rafa," I replied, trying to mask the mix of excitement and anxiety in my voice. "It's really overwhelming, to be honest."
"Overwhelming? Nako, kaya mo 'yan! Kilala ka namin dito sa Eco Arc—matatag ka at masipag, kaya chosen ka for this role," she reassured me.
Ngumiti ako, nagpapasalamat sa mga encouraging words nila. "Thank you talaga. I'll do my best."
While I was finally approaching my desk, napansin kong sina Neil at Joshua nakatambay sa nearby cubicle, nag-aabang. Nagkasalubong ang tingin namin ni Neil, and he smirked. "Ano, Tek Shan, ang lakas mo naman kay Tek Carlo ah! Ikaw na pala ang ipapadala sa Bali. Hindi mo man lang kami dinamay!"
I laughed, shaking my head. "Nako, walang gano'n. Hindi ko rin in-expect, promise."
"Congrats, Tek Shan," Joshua chimed in, smiling warmly. "Ang saya lang isipin na ikaw 'yong napili ni Tek Carlo. Alam kong madadala mo 'yong creativity at passion mo doon."
Napangiti ako, deeply touched by their words. "Thank you, Tek Neil, Tek Joshua. Hindi ko talaga ito magagawa kung wala kayo, alam niyo 'yan."
With every congrats I received, nararamdaman ko rin 'yong bigat ng responsibility. Pati sina Christian at Christine, nakatingin sa akin kanina with this knowing look, parang natatawa pero nag-aalala rin. Sila kasi ang nag-uwi sa akin kagabi, knowing I had drowned myself in drinks para makalimutan saglit ang lahat.
Pag-upo ko sa desk, tahimik akong huminga nang malalim. Iniisip ko kung paano nga ba haharapin ang bagong chapter na ito sa career ko. Mixed emotions talaga—may excitement, may takot, may konting kaba lalo na knowing na makakatrabaho ko si East.
"Okay, Shan," I muttered to myself, trying to steady my thoughts. "Kaya mo 'to. You're here for a reason."
Habang nag-oorganisa ako ng mga files sa desk ko, biglang lumapit si Pam na kunwaring nagdadabog. "Tek Shan!" sabi niya, parang nagmamadali. "Kailangan mo nang i-check 'yong computations ng tiles para ma-order na natin sa supplier! Kaka-stress na 'to!"
Tawang-tawa kami lahat sa drama niya. Umarte pa siya na parang inis na inis siya. "Seryoso ba 'yan, Pam? Parang gusto mo nang mag-resign!" I teased back, trying to keep the mood light.
Ngunit sa gitna ng tawanan, biglang dumating si Architect Jaron, at nadinig niya ang usapan. "Pam, dapat seryosohin mo 'yang trabaho mo," he said, his tone surprisingly strict. "Kailangan na ni Shan ma-order ang tiles ngayong umaga. Ang dami pang gagawin, hindi 'yong magdadabog ka lang dito."
BINABASA MO ANG
At Last, Him
RomancePassionate and career-driven, Architect Shannon Guiea V. Pertierra reaches a point where she embraces her single life, believing her heart might never find its match. But just when she's ready to abandon the hope of lasting love, fate brings her som...