Chapter 8: One Last Wave

322 10 33
                                        


Habang nag-eenjoy kami ni Hillary sa wellness cuisine breakfast buffet sa The Farm at San Benito, sinulit namin ang katahimikan at ang sarap ng pagkain. Tahimik pa ang paligid, at kami lang ang nasa dining area—tulog pa ang mga kasama namin, lahat siguro ay ubos na ubos mula sa saya at puyat ng gabi. Napatingin ako sa paligid at huminga nang malalim, parang hinihigop ang bawat detalye ng umaga. Fresh na fresh ang hangin, halatang farm-to-table ang mga putahe sa buffet. Ang daming prutas, fresh juices, organic bread, at mga vegan dishes na hindi ko alam ang pangalan pero sobrang bango.

"Na-miss ko 'to," sabi ko, at napatingin kay Hillary. Alam kong ramdam din niya 'yong ganitong vibe—tahimik, simple, at intimate.

"Totoo kamo," sagot niya habang naglalagay ng salad at fresh mango slices sa plato niya. "Ang tagal na nating hindi nakakapag-catch up ng ganito. Tayo pa naman 'yong tamad sa chat kaya lahat ng kuwento, ipon."

Kahit nga best friends kami ni Hillary mula bata pa, hindi kami 'yong tipong kailangang mag-chat o mag-usap araw-araw. Pareho kasi kaming tamad sa chat, kaya minsan may linggo, kahit buwan na walang paramdam. Pero sa tuwing nagkikita kami, bawing-bawi lahat. Parang kailan lang, halos araw-araw kami magkasama, pero ngayon, busy na sa sari-sarili naming buhay.

Habang kumakain, biglang nagtanong si Hillary, seryoso ang tono pero may kaunting curiosity sa mata, "Kumusta naman love life mo, Shan?"

Napahinto ako sa pagnguya at napatawa. "Love life?" Napaikot ang mga mata ko. "Hil, halos wala na akong time sa sarili ko, love life pa kaya?"

"Ano? Totoo?" tanong niya, nang-aasar.

Tumango ako, inaatake ng kaunting frustration pero natatawa pa rin. "No joke, Hil. Since nag-start ako sa Eco Arc Design, kung maka-date ako, mga once every two months na lang. Random pa 'yon, mga guys na nami-meet lang sa corporate parties o 'di kaya kung sinong pinakilala ng kakilala ko. Wala akong oras para magseryoso."

Napailing si Hillary habang ngumunguya, halatang hindi siya kumbinsido. "Eh, bakit 'di ka sumubok ng online dating app? Madami raw doon, 'di ba?"

Umirap ako, natawa sa suggestion niya. "Hil, wala akong interes sa gan'yan. Hindi ko nga kinakonsider na gumawa ng account. Parang...ewan, hindi lang ako talaga natuturn on sa ganon."

"Ewan ko sa 'yo, Shan," Tumawa siya nang kaunti, tapos lumapit nang bahagya at binulungan ako, parang may balak itanong na alam niyang hindi ko maiiwasan.

"Anyway, ano na ba talagang real score niyo ni Cam?"

Natawa ako at umiling. "Hil, sa totoo lang, magkaibigan lang talaga kami ni Cam. Alam mo 'yan, siya 'yong tipo ng tao na kaya kong kausapin araw-araw, pero walang malisya."

Tiningnan niya ako, halatang hindi satisfied sa sagot ko. "Oh talaga? Eh bukod kay Cam, bigyan mo ako ng pangalan ng ibang kaibigan mo na nakaka-chat mo araw-araw."

Napaisip ako. Kahit nga best friend ko rin si Hillary, hindi kami 'yong tipo ng magkaibigan na nagkaka-chat araw-araw. Sa totoo lang, wala nga akong ibang kaibigan na gano'n kundi si Cam lang. Habang nag-iisip ako, nakatingin lang sa akin si Hillary na parang may alam na siya sa magiging sagot ko.

"See?" sabi niya, may ngiting panalo sa mukha niya. "Wala namang magkaibigan na araw-araw magka-chat for so many years, 'di ba? Tayo ngang dalawa, nagkakaumayan sa chat."

Napapailing na lang ako habang tinatanggap na siguro nga ay may punto siya. Bigla niyang idinagdag, "Alam mo, hindi mo lang siguro napapansin pero special 'yong connection n'yo ni Cam. I mean, sino ba ang magtitiyaga na araw-araw makipag-chat unless may something?"

Tahimik lang ako, processing kung may sense nga ba ang sinasabi niya. Parang natatawa ako pero hindi ko rin maiwasan na pag-isipan nang mabuti. Si Cam... siya nga lang ang consistent sa lahat ng bagay. Consistent rin sa pambubwisit sa 'kin. Talagang araw-araw niya akong chinachat para lang sirain ang araw ko. Hindi man kami magkausap buong araw, sinisigurado niya na ma-chat niya ako kahit isang beses sa isang araw para lang inisin. Pero sa totoo lang, he's always been there for me, kahit pa may mga panahong hindi ko talaga kayang maglaan ng oras para mag-reply.

At Last, HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon