Ikinulong ko ang sarili ko sa apartment kahapon. Nakakatanggap ako ng message at calls galing kay Ice, pero wala ni isa roon ang nireplyan ko. Sinabihan ko rin ang guard na 'wag siyang papapasukin dito.
Medyo na late ako ngayon, mabuti at wala pa ang prof na magpapa-exam sa amin.
Hindi ako nakapag-review nang maayos. Halos buong araw akong umiyak nang umiyak. Hindi ko nga alam paano pa ako nagkaroon ng lakas na pumasok ngayon.
"What happened? Your eyes... ang puffy," si Angelica pagkatabi niya sa akin. Niyakap niya ako. "We are here. You can share if you are ready."
"Thank you," I mouthed.
Dumating ang Professor namin at ibinigay ang test paper. Napapapikit na lang ako at pilit inaalala lahat ng mga inaral ko.
Nagulat ako nang pasimpleng ipinakita ni Angelica ang test paper niya. Nasa likod kasi si Pau at Gabby.
Nang makita ko mga sagot niya, parang doon ko lang naalala mga nireview ko, pero hirap pa rin ako. Ngayon lang yata ako nahirapan nang ganito.
Isang oras ang lumipas, ay katatapos ko pa lang. Halos ako ang huling nagpasa ng test paper.
Kinuha ko ang bag ko at ginawang unan. Abala sila mag-review pero ako bahala na mamaya.
Naramdaman kong si Gabby ang nakayakap sa akin ngayon.
"Anong nangyari? Hindi ka raw ma-contact nila Kuya?"
Tinignan ko siya at pinipigilan ang pag-iyak. "W-Wala naman." I smiled, sadly.
"Andito lang kami kung need mo makakausap, ha? Huwag mong sasarilihin 'yan."
Dumating si Kuya Lucas, agad siyang napatingin kung nasaan ako. Tama rin ako, alam din ni Kuya Lucas pero 'di rin siya nagsabi sa akin. Naiintindihan ko, kasi labas siya roon. Masakit lang talaga kasi pakiramdam ko lahat sila pinagtaguan ako. Pakiramdam ko nawalan ako bigla ng kakampi.
Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kaniya. Ibinigay niya na ang test paper. Naglalakad-lakad siya para mabantayan kami.
"He's outside," aniya pagkadaan sa tabi ko.
Hindi ko na pinansin iyon, nanikip na lang ulit ang dibdib ko.
At doon na naman ako napaiyak.
"Oh, Amari's crying? Mahirap ba ang exam? Akala ko ikaw pinakamatalino?" sambit ng isa sa mga kaibigan ni Zarm.
Hindi ko na iyon pinansin kahit may ilang natawa. Agad silang nilapitan ni Kuya Lucas, at kinausap.
"Mind your own papers. Bago ninyo pansinin ang iba, double check your answers."
I can't really concentrate, occupied ang isip ko. Gusto ko na lang matapos ang araw na 'to para makapagpahinga na ako.
After ko i-submit iyong test paper ko, kinuha ko ang bag ko at dumiretso sa comfort room.
Nakita ko ang sarili ko, I feel so weak. Halatang 'di ako nakakatulog nang maayos, halatang galing ako sa pag-iyak, ni wala nga akong kaayos-ayos na pumasok.
I have an hour vacant, lumabas ako ng comfort room at nakita si Ice sa labas, he's obviously waiting for me. Hindi ko siya pinansin.
"Baby, let's eat. May isang oras ka pa para makapag-rest."
Dumiretso ako sa library na 'di masyadong pinupuntahan, medyo malapit ito sa building namin.
Sinubukan niyang kuhanin ang bag ko pero mabilis kong kinuha iyon. Walang emosyon ko lang siyang tinignan.
"Did you eat? Kain ka na muna, major exam 'yong exam mo later."
"Nah." Kumuha lang ako ng libro at iyon ang ginawa kong unan.

BINABASA MO ANG
Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)
Ficção AdolescenteAmari Gracey, a young woman with a heart full of love and strong independent personality, found herself irresistibly drawn to Isaac, her brother's charming and effortlessly captivating friend. Their friendship grew into a love story that defied the...