Our vacation went well. Puro lang din naman ako work, minsan nasa kitchen ako, minsan service crew. Umuuwi rin ako sa bahay minsan, hindi ko lang naaabutan si Mommy.
Si Daddy, he's working here na ulit sa Metro Manila, pero he's living alone. Mineet namin siya noong nakaraang week para ipaalam na nakatira na ako kay Ice, nagalit pa siya noong una, pero wala na rin siyang nagawa.
Si Kuya Lucas, nasa Canada na, nag-stay pa siya rito ng two weeks after ng graduation niya.
Nasa SanLo lang ako ngayon, katatapos ng first subject namin. Ambilis lang ng panahon, parang noon lang first year college ako, ngayon third year na.
Successful ding naialis ni Ice iyong mga restaurant niya sa company ni Lola niya. And yes, finally, may sarili na siyang company. I saw him crying because of joy, walang makakapag-describe kung gaano ako ka-proud sa kaniya.
"How's Kuya Lucas?" tanong ko kay Gabby.
"He's doing fine naman. Nahirapan maghanap ng work, pero by next week may work na siya. Tumatawag siya sa amin every night or minsan mas maaga."
Nakaka-miss nga iyon si Kuya Lucas, nangangamusta naman siya sa gc. Minsan nga nag-s-send ng pictures niya.
"Punta lang ako saglit kay Ice," pagpapaalam ko sa mga kaibigan ko. "Wait niyo na lang ako rito, mabilis lang naman ako."
Tumakbo ako papuntang kabilang building.
Eksaktong nasa labas pala si Ice ng room niya, mukha akong batang excited pumunta sa parent niya. Inilabas niya ang phone niya, at pakiramdam ko vinideohan niya ulit ako.
"Hello, baby." Yinakap niya kaagad ako. "Takbo ka na naman nang takbo, basang-basa ka na naman ng pawis. Later pa class mo?"
I nodded. "Binisita lang kita, sabi kasi sa panaginip ko nambababae ka raw." Pagbibiro ko sa kaniya.
"Kabaliktaran daw 'yan, boss. Wala kang class bukas, then next day, pang hapon ka, right, baby? Date tayo after class."
"Gusto ko mag street foods. Gano'n na date natin!"
Hindi siya umiimik, nakatitig lang siya sa akin.
"Ay, ayaw mo ba? Sorry, gusto ko kasi gano'n. May bagong bukas na food bazaar kasi malapit dit-"
"Cute mo. Sinong may sabing ayaw ko? Doon tayo later, baby, don't worry."
Napapalakpak ako sa tuwa. "Yehey! Thank you!"
Inihatid niya ako sa building namin, hiniram ko nga isang phone niya. Ang isang 'to, balak bumili ng bagong labas na phone, pero deserve naman niya. Bilang nga lang sa daliri kung ilang beses lang niyang bilhan ang sarili niya.
"Mauuna matatapos class mo, sa room ka muna mamaya, pwede ka naman doon. Sunduin kita."
I nodded bago pumasok sa room.
I saw Zarm looking at me, nasa pinakadulo siya nakaupo, kaya kitang-kita ko kung papaano niya ako titigan. Nag-iwas tingin na lang ako sa kaniya.
"Haynako! Parang ang weird kapag pumayag kang tumira sa condo ng boyfriend mo, 'no? Very pabigat ang atake!"
Nagtawanan silang magkakaibigan.
Tumutulong ako sa pagbabayad ng bills, noong una ayaw talaga ni Ice, pero ipinilit ko. Nakiki-share ako sa bayad ng bills namin, hindi ako payag na wala akong share. Kapag may araw na nasa work siya, at nauna akong nakauwi, ako ang nagluluto.
"Baka 'di na kaya ng budget kaya nakitira na doon."
"Isa pa, titirahin ko kayo r'yan sa likod," matapang na sambit ni Gabby. "Baka kasi 'di kayo tanggap ng family ng boyfriend niyo."

BINABASA MO ANG
Fate's Forbidden Game (San Lorenzo University Series #1)
Novela JuvenilAmari Gracey, a young woman with a heart full of love and strong independent personality, found herself irresistibly drawn to Isaac, her brother's charming and effortlessly captivating friend. Their friendship grew into a love story that defied the...