CHAPTER FOUR

2 0 0
                                        

Masdan mo ang buhay ko
Lagi na lamang ganito
Walang nagmamahal
Ang puso ko'y uhaw~♪

Haha nakakatawa.
Pati kanta ang lungkot.
Tssk!
Ang aga aga !

Kay tagal na 'kong naghihintay
Kay tagal na 'kong naglalakbay
Magkaro'n ng puwang sa daigdig
Magkaro'n puwang sa pag-ibig~♪

Hayst!
Nagising ako sa tugtug mula sa radio at talaga nga namang maganda ang kanta pero maaga pa!
Gusto ko pa matulog!

Hays!

Naimulat ko bigla ang mga mata ko dahil sa bigla kong naalala na ngayon na pala ang alis namin.

Naku naman!

Bumangon na ko at nag asikaso ng mga dadalhin ko.
Ayos naman na yon.
Hindi ko na nga rin namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod sa dami kong ginawa hays ang hirap pag nasa adulting stage ka na, ang dami mo ng makakaligtaan.

Nang maayos ko na ang sarili ko ay chineck ko naman ang phone ko.
May 5 messages ako galing kay Hazel at may dalawa pa pero di ko alam kung kanino galing.

Binuksan ko muna messages ni Hazel at

:Les? San ka na? Nag iintay na ko sa bus station
:5:00 a.m ang alis natin ah?
:nakagayak ka na ba?
:on the way ka na ba?
: late ka na

Napatingin ako sa wrist watch ko at oo nga almost 7 a.m na!

Binitbit ko na agad ang bag ko at sinubukan kong icall si Hazel.

"Sagutin mo na please!"
Nasasambit ko habang palabas na ng bahay.
Hindi ko na pinansin pa kung may tao ba ang bahay or nandito ba sila nanay basta lumabas na lang ako at nagmamadali.

Patakbo na ko papuntang labasan ng makita ko ang kotse ni Pauline. Paalis pa lang ito pero huminto din.

"Please please sagutin mo na Hazel please!"
Bulong ko ng di pa rin sinasagot ni Hazel ang tawag ko.

Naku! Late na late na talaga ako. Umalis na siguro siya?
Kaasar!
Bakit ba napasarap ang tulog ko? Hays badtrip!

Lalagpasan ko na sana ang kotse ni Pauline ng "Les? Nagmamadali ka yata?" Nilingon ko siya at nginitian.
"Oo e,late na kasi ko sa meeting place namin ng katrabaho ko." Sagot ko sa kanya.

"Saan ba yan? Tara sabay ka na sa'kin?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Sa bus station kasi yon eh,baka di mo na way nakakahiya naman hehe"
Sabi ko.
"No, it's okay. Tara na malapit lang din kasi hospital na pupuntahan ko doon eh. Sabay ka na" Sabi niya.
Nahihiya man ay sumakay na ko sa kotse niya at nagmaneho na siya agad ng makasakay ako.

"Sino ba tinatawagan mo? Bakit parang di ka naman sinasagot?"nakatingin lang ako sa kalsada habang nasa tenga ko ang phone ko.
"Yong katrabaho ko ayaw pa sagutin mukhang busy na yata." Tumango tango naman siya.

"Hello?"
Napangiti ako ng malaki.
Salamat naman sinagot na niya!
"Lester? Asan ka na? Naiwan na tayo ng bus"
Ibig sabihin hindi siya umalis? Inantay niya talaga ko? Nakakahiya naman!
"Ahmm, on the way na ko. Pasensya ka na ah? Napasarap kasi tulog ko di ko tuloy namalayan ang oras."
Tinignan ko si Pauline at nagulat ako ng kaunti dahil nagtama ang paningin namin.
Nakatingin pala siya sa akin.

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now