CHAPTER TEN

2 0 0
                                        

Napatakbo ako ng mabilis dahil sa sinabi niya.
Sinundan niya ako at itinuro sa akin kung saang hospital dinala si Luis.

Pagdating namin doon ay nakita ko agad siya.
Nakaupo ito sa wheelchair at nakatungo.

Hindi ko man kita ang mukha niya ay alam kong siya yon.

"Luis! Anong nangyare sayo?" Taong ko sa kanya ng makalapit ako.

Kalilibing lang ni nanay tapos ito na naman!

Ano ba!

Nag angat ito ng tingin at ngumiti lang sa akin.

"Luis, hindi mo kailangan solohin ang sakit. Nandito lang kami"saad ko at niyakap ko siya.

"K-kuya hindi ko maisip na mangyayare to. Akala ko kasi okay na ako eh, kaso hindi ko alam na habang naglalakad ako pauwi ng bahay ay wala ako sa aking sarili."paliwanag niya
"Pero huwag ka ng mag alala kuya, hindi naman grabe ang natamo ko."dagdag niya pa at saka pinagmasdan ako.

"Ako po yong nakasagi sa kapatid mo, humihingi po ako ng sinserong paumanhin sa aking nagawa."tinignan ko ang lalaking nagsalita.

Pamilyar ang boses niya.
Pati na rin ang mukha niya.

"Bakit hindi ka kasi nag iingat!"sabi ko

"S-sir hindi ko ho sinasadya paumanhin. Saka sir b-bitawan niyo po ako"magalang pero may inis sa mukha nito.

Binitiwan ko siya, hindi ko napansing kinwelyohan ko pala siya.

"Ayos na ho bills, binayaran ko na. Pasensya na po."paghingi ulit nito ng tawad.

"Ronnie! Are you okay? Kumusta? May masakit ba sayo? Ayos ka lang ba?" Biglang lapit ng pamilyar na babae sa kanya.

M-Mia?

R-Ronnie?

"I'm fine babe, don't worry." Sabi pa nito at binalingan ang kapatid ko ni Mia.

"Are you blind? Mag iingat ka naman ng hindi ka nakakaabala"

"Hey babe, it's okay. Nakahingi na ako ng pasensya."awat sa kanya ni Ronnie

"No! Kasalanan niya to tata-"

"Please stop, huwag mong ioffend ang kapatid ko. Nandito ako nakatayo yang fiance mo ang may kasalanan dito!"putol ko kay Mia

Napalingon ito sa akin at parang nagulat pa siya.

"L-Lester? Kapatid mo siya?" Gulat na tanong niya sa akin.

"Yes!"may inis kong sabi.

"Kuya, kilala mo sila?" Tanong ni bunso sa akin.

"Oo, siya yong amo kong babae. Tapos fiance niya yong nakasagi sa kuya Luis mo." Saad ko sa walang buhay na boses.

"Ang pangit pala ng ugali ng boss mo kuya"napalingon ako kay bunso dahil hindi ko akalaing maririnig ko siyang magsalita ng ganon.

"Bunso, hayaan mo na. Hindi naman alam ng amo ni kuya na kapatid tayo ni kuya hehe" sabi ni Luis na parang walang nararamdaman sa katawan..

Sabagay, galos lang kasi ang natamo niya tss

"Sige po ma'am, sir. Aalis na po kami ng mga kapatid ko pasensya po sa abala." Saad ko na medyo may pagkasarkastiko.

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now