Nalungkot ako ng subra dahil sa nalaman ko ang sakit ng puso ko.
Wala na pala ang taong hinangaan at minahal ko sa alaala ng tatay ko.
"Nabalitaan ko rin noon na handa kang akuin ni Kevin para lang makasama si Pauline. Kaya kahit nalilito pa ako sa disisyon ko non ay pinili ko kayo. Natakot ako na baka hindi mo ako kilalanin bilang tatay mo."napahinto siya.
Mahal niya pala si Pauline bakit hindi niya agad pinaramdam?
Nahihiya?
Nakakainis!
Kung hindi pa siya pinaubaya at natakot ay hindi niya pala ako pananagutan!
"Pero buti na lang ay tama ang naging pasya ko. Masaya ako dahil kinilala mo akong ama anak, pero nalulungkot ako at nasasaktan dahil hindi ko nakitang naging masaya ka sa mga bagay na binibigay ko sayo noon."
Magiging masaya?
Lagi mong sinasaktan ang damdamin ni mommy tapos gusto mo maging masaya lang ako kahit durog na durog na ang mommy ko?
"Mahal na maha-"
"Congratulations Mr. Castillo! Ang bilis ng recovery mo! Haha nakakagulat! Teka, tanggalin ko lang ang suwero mo"
Naputol ang sasabihin niya ng pumasok ang doctor.
Lumapit agad sa akin si Doc. At tinanggal ang suwero sa akin.
"Wala kasi si Doc. Albert kaya ako ang nandito pasensya na ah? Hehe mukhang naisturbo ko ang pag-uusap niyong dalawa."dagdag pa nito.
Ngumiti naman si Lester sa kanya.
"Grabe, tatlong araw ka lang dito, ang bilis talaga nakakamangha!"
T-tatlong araw?
Ibig sabihin hindi ako matagal na nanatili dito?
"Sana bumalik na agad ang memory mo!"
Dagdag pa ng doctor
"Salamat nga pala Doc. Kevin"singit ni Lester.
Kevin?
Kevin??
S-siya ba yong sinasabi ni Pauline noon?
Siya si Kevin?
Matangkad ito at maputi.
May salamin at mahahalatang kaidaran lang sila ni mommy at daddy.
Pero siya ba yon?
Siya ba yong handang akuin ang anak ng iba para sa babaeng mahal niya?
Kung siya nga yon ay ayos lang din naman sa akin!
Hahahaha!
Nagulat din ako dahil may pagkakwela ito at akala mo ay tropa niya lang ang pasyente niya.
Grabe! Doctor na pala siya ngayon.
"Naku ma'am Althea! Bawal po kayong pumasok sa ward ng pasyente ng daddy niyo. Antayin niyo na lang po siya sa office niya. May inaasikaso po siyang pasyente ngayon ma'am!"
*Baaggshh!*
Napalingon kaming lahat sa may pinto dahil sa lakas ng pagbukas non.
Saktong nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng pumasok ang isang babae at may nakasunod sa kanya na parang maid, at pinipigilan siyang pumasok." I don't care! Dad ano? Palagi na lang bang ganito? You always forgot-"napahinto ito sa pagsasalita ng madako ang tingin sa akin.
YOU ARE READING
WHO ARE YOU?
De TodoSi Leon ay bunga ng isang one-sided love, hindi niya alam ang salitang pagmamahal. Matutunan niya pa kaya ito? Ang bumalik sa nakaraan ba ang lunas para matutuhan niya at maranasan ang tunay na pakiramdam ng taong nagmamahal? Matutunan niya kayang m...
