Ulang hindi mapigilan,pusong nasasaktan at bigla na lang nilisan ng walang dahilan.
Bughaw man ang kalangitan ay may takipsilim paring masisilayan.
Masdan mo ang kapaligiran, may mga pangyayare talagang hindi maiiwasan.
Kahit pa tayo ay malunod sa dagat ng kasawian.
Pakinggang mabuti ang himig ng awiting sayo lamang iparirinig.
Bigkasing maigi ang salawikaing pagmamay-ari na tumutugma sa himig ng aking dibdib.
Sa pusong nagdurusa, pagkukunware'y mainam ba? Pusong nagdurugo'y maghihilom pa ba? Na sa'twing nasasaktan ay maitatago mo ba ang pagpatak ng mga luha sa iyong mga mata?
Ulan ma'y mabisang pangkubli ng mga luha.
Luhang gustong kumawala.
Na hanggang sa kaibuturan ng aking damdamin ay takot pa rin akong mawala ka?
Masaktan ma'y kaya kong tiisin dahil ang mawala ka'y kay hirap tanggapin.
Sa mundo kong ikaw pa rin ang pinipilit na makapiling.
Masakit ba ang masaktan ng taong iyong pinagkatiwalaan?
Mahirap bang maiwan ng taong kay tagal mong iningatan?
Mahapdi bang masugatan ng taong hindi ka pinapahalagahan?
Parang gusto ko ng lumisan dahil ako'y iyong sinaktan ng hindi mo ito nalalaman.
Kung ang mga luha ko ang magiging dahilan upang ika'y manatiling nandyaan ay gagawin ko itong paraan hanggang sa ako'y huwag mong makalimutan.
Sapat bang bigkasin ang sinisigaw ng aking damdamin?
Sigaw ko'y huwag ng pakinggan dahil hindi mo rin naman ako lilingunin
Hindi mo ba kayang ako'y bigyang pansin?
Lahat ba ng alaala ko sa iyo'y lilimutin?
Pagtangis ko ba'y huwag na lang alamin?
Masdan mo ang mga mata ko, ito'y naghihintay na masulyapan mo kahit katiting na pagtingin sana'y mabigyan mo.
Sapat na siguro ang pagluha ko upang mabawasan ang bigat sa dibdib ko ng dahil sa pag-ibig ko sa'yo.
Mahal kita ngunit sapat na muna ang makasama ka, kahit hindi ako ang iniibig mo sinta.
Ang bawat patak ng aking luha ay simbulo ng aking pagsinta.
YOU ARE READING
WHO ARE YOU?
RandomSi Leon ay bunga ng isang one-sided love, hindi niya alam ang salitang pagmamahal. Matutunan niya pa kaya ito? Ang bumalik sa nakaraan ba ang lunas para matutuhan niya at maranasan ang tunay na pakiramdam ng taong nagmamahal? Matutunan niya kayang m...
