Tot tot tot!
Huh? Ano yon?
Tot tot tot!
Ano yong naririnig ko?
Tot tot tot!
Teka bakit may ganong tunog?
Tot tot tot!
Iminulat ko ang mga mata ko pero bakit parang malabo?
Malabo ang paningin ko, wala akong maaninag!
Malabo talaga!
Naniningkit pa ang mga mata ko dahil masakit kapag ipipit kong imulat yon ng buo.
Malabo talaga!
Ang labo ng paningin ko!
"Aghh!"
Naibulong ko.
Hindi ako makapag salita!
Gusto kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa.
Wala akong maramdaman!
Bakit hindi ko maigalaw ang buo kong katawan?
Tot tot tot!
Naririnig ko pa rin yong tunog na yon pero hindi ko magawang kumilos.
Hik! Hik!
Hik! Hik!
Huh?
S-sino yong humihikbi?
Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa.
Hindi ko talaga maikilos ang buong katawan ko.
Kahit maigalaw man lang ang mga daliri ko ay parang kay hirap gawin.
Wala akong nararamdamang kahit na ano, para talaga akong paralisado.
"Uhmm"ungot ko, dahil hindi ko talaga magawang magsalita!
"L-leon?"
Leon?
Sino yon?
Sino yong tinatawag niya?
"Leon? Anak! Nurse! Nurse!"
Anak?
Leon?
Nurse?
Teka sino ba hinahanap niya?
Malabo pa rin ang paningin ko hindi ko nakikita ng maayos ang nasa paligid ko.
Ano to?
Nasaan ako?
Sinubukan ko ulit gumalaw pero hindi ko magawa.
Wala pa rin akong maramdaman.
Anong nangyare sa akin? Bakit nagkaganito ako?
"Ughmm!" Naiusal ko dahil pinipilit ko talagang igalaw ang katawan ko pero hindi ko pa rin magawa at habang pinipilit ko ay may paunti unti akong nararamdaman.
Kumikirot ang ulo ko at pati ang likod ko ay parang mapuputol.
Pakiramdam ko magkakahiwa-hiwalay na ang buo kong katawan kapag ipinilit ko pa ang gusto ko.
"Leon please! Hold on anak, pakiusap!"
Sino ba si Leon?
Nag-aagaw buhay ba siya?
Teka asan ba ako?
At bakit ang labo pa rin ng paningin ko?
"Please! Please hold on please! I missed you so much! Nurse! Doc! Asan na kayo!"humihikbi nitong pagsusumamo.
Hindi ko makilala ang boses niya dahil sa kanyang paghikbi
Pero alam ko sa sarili kong malapit lang siya sa akin.
YOU ARE READING
WHO ARE YOU?
RandomSi Leon ay bunga ng isang one-sided love, hindi niya alam ang salitang pagmamahal. Matutunan niya pa kaya ito? Ang bumalik sa nakaraan ba ang lunas para matutuhan niya at maranasan ang tunay na pakiramdam ng taong nagmamahal? Matutunan niya kayang m...
