CHAPTER ELEVEN

10 0 1
                                        

'sana paggising mo ay kasama mo na ang taong nagmamahal at minamahal mo'

'sana paggising mo ay kasama mo na ang taong nagmamahal at minamahal mo'

'sana paggising mo ay kasama mo na ang taong nagmamahal at minamahal mo'

Napamulat ako dahil sa paulit ulit na tila kantang kumakanta sa aking isipan.

Teka?
Nasan ako?

Bakit ang liwanag?

Nasilaw ako sa liwanag na nakikita ko.

Teka!

Asan ba ko?

"Oh my Gad!! Call the doctor please! His awake! Thanks Gad!" Rinig kong sabi ng isang babae.

Pamilyar ang boses niya sa akin!
Parang ang saya noya dahil nagising na ako.

Ganoon ba ko katagal nakatulog?

Ang alam ko nasa kwarto lang ako at hindi makahinga.

"Misis. Castillo, calm down okay? Calm down " hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa akin pero alam kong gising na ako.

Nasan ba ako at bakit may doctor?
Ano bang nangyare sa akin?

"Where's my son!?" Huh?
Sino yon?
Bakit parang galit siya?

"He's okay na love."

"Shut up!"

Huh?

Anong problema ng lalaking to?
Saka sino ang anak niya?

Patay na si tatay at si nanay malamang ay wala ng dadalaw sa akin dito na magulang ko.

"Hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko kung may mangyaring masama sa anak ko! Doc! Kumusta ang anak ko?"
Lumapit ito sa doctor na nag aasikaso sa akin.

Huh?
O,O?

K-kamukha ko siya! Sino siya! Sino!

Sino ka??

Bakit kamukha kita!?

Teka! Patay na rin ba ko?

Nakikita ko na ang sarili kong katawan!

Pero bakit medyo nagkaedad na siya?

Teka! Sino ba siya?

Maya maya pa ay lumapit siya sa akin at niyakap ako.

"Salamat naman at ligtas ka na." Sabi pa nito
"Ano ba kasing pinaggagagawa mo Leon? Hindi mo man lang naisip ang mararamdaman namin ng mommy mo! Ano bang gusto mong patunayan ha?!"sigaw niya pa sa akin.

Teka!

Wait!

Ano?

Leon?

Wait! Lester ang pangalan ko ano ba!

Lester ang pangalan ko!

"Hindi ka ba magsasalita?"
Dagdag pa nito.

Hindi ko talaga alam ang mararamdaman ko.
Para akong nananalamin pero pinatanda nga lang ang version.

"S-sino ka ba? B-bakit kamukha kita?"natigilan ito at sinamaan ako ng tingin "sino ka?"tanong ko ulit.

Medyo nalito ito at tinignan ang babaeng nasa likod niya na tinatanong kung anong nangyare sa akin.

Kung mamasdan ang babae ay may kamukha siya per medyo may edad na nga lang din.

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now