CHAPTER SEVEN

3 0 0
                                        

Sana katulad mo na lang ako. Yong kaya kong balewalain yong mga taong nag- aalala sa akin.

Sana katulad mo na lang ako. Yong kaya kong balewalain yong mga taong nag- aalala sa akin.

Sana katulad mo na lang ako. Yong kaya kong balewalain yong mga taong nag- aalala sa akin.

"Huh!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil
Sa nagpapaulit ulit sa isip ko.

Teka? Nasan ako?

Nilibot ko ang paningin ko at bumungad sa akin ang maliit na silid ng kwarto ko.

Anong nangyare?
Ang sakit ng ulo ko.

"Buti at nagising ka na"nilingon ko siya
Nakangiti siya sakin at may dalang isang basong tubig.

Ano to?
Nagulat ako sa nakakabit sa kamay ko.
Bakit may ganito ako?

"Lester, nag aalala na ang nanay at kapatid mo limang araw kang tulog. Buti at nagising ka na."

Ano??

Limang araw?
Lima??
Ganon kahaba ang tulog ko?

Kaya pala naka dextrose na ko.
Akala ko isang gabi lang yon.

"Kuya? Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? Nag uusap lang tayo sa kusina non tapos bigla ka na lang natumba."
Tinitigan ko lang si bunso

Oo siya nga ang kausap ko non.
Ano ba yong huling sinabi niya sakin?

Sana katulad mo na lang ako. Yong kaya kong balewalain yong mga taong nag- aalala sa akin.

Bakit niya kaya yon nasabi?
Bakit?

Ininom ko yong isang baso ng tubig na inabot sakin ni Pauline kanina.
Parang uhaw pa ko
Pero hindi sa tubig

Pinatanggal ko na kay Pauline ang nakakabit sa kamay ko ayuko na kasi non.

"Si Luis?"

"Kanina nandito siya, pero umalis din agad dahil may trabaho pa raw siya."

Lumabas muna si bunso dahil magluluto daw muna siya ng makakain.
"Si Liza mabilis matuto kaya natutulungan niya ko sa ospital."
Ospital?

"Anong ibig mong sabihin don?"
Kinuhaan niya muna ako ng damit saka short para makapag palit ako.

Teka?
Kinuhaan niya ko?
Teka teka loading pa ko!

Kita kong hawak na niya ang mga damit ko.
Paano niya nalamang?

Ahhh!

"Ilang araw ka na dito?"tanong ko ulit.
"Mula ng mawalan ka ng malay tao"

Ano?
Ibig sabihin limang araw na din siya rito?
Okay lang ba ang taong to?

Kinuha ko na ang mga yon at pupunta na sana ako ng cr ng"bakit ka pa magsi-cr ? Bakit di na lang dito sa harap ko hehe"
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Lester, sa limang araw ko dito. Alam ko na ang bawat sulok ng katawan mo hihi! Wala ka ng maitatago sa akin" nginitian niya ko ng malawak.

O^O??
Nakita na niya ang lahat sa akin?
Akala ko ba si Luis pumupunta siya?

Parang nabasa niya yata ang nasa isip ko ng magsalita siya"wala naman ibang magbibihis sayo eh, tsaka si Liza may trabaho na sa ospital at si tita Luisa naman ayaw pa rin lumabas ng kwarto niya kaya sino pa ba mag aasikaso sayo? Si Luis hindi naman laging nakakapunta rito."

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now