CHAPTER EIGHT

2 0 0
                                        

"anong problema?"

Tanong sa akin ni Pauline.
"Pinapauwi na ko ni bunso."
Tumayo ito at naglakad

"Tara na, ihahatid kita."

Tumayo na rin ako at sinundan siya.
Nang makarating kami sa kotse niya ay sumakay agad kami at pinaandar na niya agad.

Ilang minuto lang ay nakarating agad kami sa bahay.

"Ate"yumakap agad si bunso kay Pauline
Pinakalma naman siya ni Pauline
"Buti po at nandito na kayo."maluha luhang sabi nito

"Ano ba ang nangyare bunso?"
Tanong nito ng makaupo sila

"Si nanay po kasi nagwawala. Hindi ko po siya mapigilan"

"Nasan ang nanay bunso?"tanong ko.

Tinuro niya ang kwarto nito at pinuntahan ko kaagad.

"Iwan niyo na ako! Mga wala kayong kwenta! Aahhh!"

Palapit pa lang ako doon ay naririnig ko na ang pagwawala nito.
Nakakarinig din ako ng mga nalalaglag at nababasag.

Ano ba nangyayare sayo nay?

"Hindi na ako mahalaga sa inyo! Sino ba kayo sa akala niyo!"
Parang hindi ko siya kayang harapin dahil sa mga naririnig ko.
"Anong klaseng mga anak kayo! Iniwan niyo ko! Sya! Iwan niyo na ako at huwag na kayong bumalik! Hindi ko kayo kailangan!"

Parang dinudurog ang puso ko.
Ang sakit pala marinig mula sa magulang mo ang mga ganitong salita.

"Mga hayop kayo! Hindi ko kayo kailangan! Iwan niyo na ko huhuhu"

Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nasa gilid.
Yakap yakap nito ang sarili habang habang pinagmamasdan ang larawan ni tatay na nasa harap niya.

Magulo ang buhok at parang wala sa sarili.
Iyak lamang ito ng iyak at parang ayaw magpaawat.

Nilapitan ko siya at akmang yayakapin pero tinabig niya agad ako.
Sumenyas siyang huwag ako lalapit.
Humahagulgol pa rin ito at halos hindi ko kayanin ang nakikita ko.

Pero kailangan kong magpakatatag.
Kailangan kong tatagan ang loob ko.
Hindi pweding magpadala ako sa imosyon ko.
Kailangan kong ipakitang malakas ako para kapitan niya.
Pero baliktad yata ang dating non sa kanya.

"Mabuti ka pa, parang ang dali mo lang tanggapin ang pagkawala ng tatay mo. Siguro masaya ka na ngayon wala na siya ano?! Sabihin mo ang totoo!"

Bakit ganyan ang tanong mo nay?
Bakit parang ikaw lang ang may karapatang magluksa?

Ano ba ang dapat kong ipakita sayo?
Kailangan ba gayahin kita? Isinuko na ang lahat sa mundo?

Paano naman ang mga kapatid ko kapag tinularan kita?
Pwede naman sigurong magluksa ng hindi pinapabayaan ang sarili diba?

"Hayaan mo ko. Hindi ikaw ang kailangan ko."tinulak niya ako.
Napaupo ako sa sahig dahil sa ginawa niya pero hinayaan ko lang siya.

Tumayo ako at akmang yayakapin ko ulit siya pero pinagtulakan na naman niya ako.
"Lumabas ka na! Hindi kita kailangan! Hindi ikaw ang kailangan ko! Umalis ka sa buhay ko! Umalis ka!"

Pinagtulakan niya ko ng pinagtulakan hanggang sa makalabas ako ng kwarto niya.

Hindi ko na makaya.
Ang sakit sakit na ipagtabuyan ka ng nanay mo.
Halos bumigay ako pero ng makita ko si bunso na hanggang ngayon ay yakap pa rin ni Pauline ay tinibayan ko ang loob ko.

Nilapitan ko siya at inalo.

"Ano ba ang nangyare?" Tanong ko.

"Hinatiran ko kasi siya ng pagkain dahil alam kong hindi pa siya kumakain kaso tinabig niya ang kamay ko kaya natapon yong pagkain at ayon nagwala na siya."

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now