CHAPTER SIX

2 0 0
                                        

Mama!
Mama!
Mama!

Mahal na mahal ko po kayo!
"Hindi ko alam kung bakit ganyan ka!"

"Ikaw ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mama ko!"

"Wala kang kwentang tao!"

Wala kang kwentang tao!

Wala kang kwentang tao!

Tao!

Tao!

Tao!

"Kuya kuya! Gising !"

Napamulat ako bigla dahil "kuya, masama po yata ang panaginip mo. Hindi naman nakalock ang pinto ng kwarto mo kaya pumasok na ko at ginising na kita. Ayos ka lang ba?"

"Oo bunso, okay na ako salamat ha?"

Ano yon?
Panaginip lang ba yon?
Bakit parang ang sakit sakit naman ng panaginip na yon?
Bakit parang nangyare talaga siya?
Bakit ganon?

Bumangon na ako at inayos ang higaan ko.
Lumabas na rin kwarto ko si bunso.
Talagang ginising niya lang ako.
Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko ay naligo muna ako bago pumunta ng kusina.

Naabutang kong nandon si nanay at hinihintay niya siguro ako.
Umupo muna ako sa tapat niya at lumapit sakin si bunso, inabutan niya ko ng mainit init pang kape.

"Salamat"

"Makakalabas na ba ang tatay mo ngayon Lester?"

Napatingin ako kay nanay at yon nga, yon na nga ang inaasahan kong sabihin niya.
"Dadaan lang po muna ako sa banko at magwiwithdraw."

"Mabuti naman."

"Pasok na po ako sa school kuya, nanay alis na po ako." Tinanguan ko lang si bunso at saka nilagok ko kahit subrang init pa nung kape ay parang di nga yon sumayad sa lalamunan ko.

Tumayo agad ako at pumunta ng lababo, nagsipilyo muna ako bago lumabas ng bahay.
Hindi ko na nilingon pa si nanay, alam ko namang si tatay lang ang mahalaga sa kanya.
Dumeretso na ko sa may ATM para magwithdraw

Pagkatapos ay dumeretso na ko sa barangay at kinausap si kapitan.
Pumayag Naman na si kapitan na palabasin agad si tatay dahil inurong naman na ng complainant ang kaso at sabi niya ay wag ko na lang daw sabihin sa magulang ko na wala akong binayaran.

Kilala ni kapitan ang tatay at nanay ko.
Magkapitbahay lang kasi kami at ilang bahay lang ang pagitan ay bahay na namin.

Nakalabas na ang tatay, nagpasalamat Naman siya sa akin at nangakong hindi na niya uulitin.
Nangakong rin siya sa akin na magbabago na siya.
Mabuti na lang at hindi nabawasan ang sahod ko.
Mababayaran ko na ang utang na loob ni nanay sa tindahan ni aling Sintya.

Nang makauwi ay agad na niyakap ni nanay si tatay.
Nagpasalamat siya sa nasa itaas dahil hindi napabayaan ang pinakamamahal niya.

Ganon ba talaga magmahal?
Bakit hindi ko naramdaman kay Max yon?
Hindi ko naramdaman na mahal niya ko.

Oo naging masaya kami nung una pero hindi ko naramdaman na magkarelasyon kami
Parang magkaibigan lang
Sa tagal din naman namin pero parang naging magkaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Dumeretso ako sa kwarto ko dahil ayuko muna ng kausap.
Hindi batid sa sarili ko ang tunay na nais ko sa buhay.

Umupo ako sa katre  at nakatingin sa kabuoan ng kwarto ko.
Maliit lang ito at sasapat lang talaga sa isang tao.
May roon din itong di kaliitan at di rin kalakihang bintana.

WHO ARE YOU?Where stories live. Discover now