“Makakapahinga ka nang walang takot, makakatulog ka nang mahimbing. Wag kang matakot sa panganib na biglang darating, o sa bagyong wawasak sa masasama, kasi kay LORD, makakaasa ka, dahil sa kanya, di ka mahuhulog sa trap.” – Proverbs 3:24-26
--
Chapter 17
Aynna
“Ayaw mo bang magpa-gluta? We can recommend you any procedure para pumusyaw ang balat mo…” dagdag na sabi ng dermatologist ni Kara. Ngumiwi ako.
“’Wag na po, doc. Mas gusto ko ang ganitong kulay ng balat ko…” magalang kong tanggi. May nirerecomend siyang session at turok.
Ngumiti ang babaeng doctor sa akin. Pero nang bumaling kay Kara, bumuntonghininga ito. She looks like she’s expecting me to agree with all the recommendations she has for celebrity patients. Pero nagpa-facial lang ako. Hindi niya yata inaasahan na iyon lang ang ipagagawa ko. Nakinig din naman ako sa mga ini-offer nilang services. They don’t have all the modern machines like the famous derma clinic. Parang pinag aaralan pa lang nila sa South Korea. But soon, they will be going to introduce it here in the Philippines. At si Kara yata ang kukunin nilang endorser.
“Inaalagaan lang po talaga ni Ate ang kutis morena niya, Doktora Miel. Ang gusto naman ni Mama ay ma-maintain ang kutis niya, para maganda ang rehistro sa camera,” panatag na kwento ni Kara.
Sinuklay ko ang buhok ko sa harap ng bilog na salamin. Katatapos lang ng ginawa nila sa akin, kaya wala akong ka-makeup-makeup. But my lips are reddish. Kapag kinagat, mas lalong namumula. Maswerte ako sa balat ko, kasi maliit ang pores ko sa mukha. Hindi tigyawatin at mamula-mula kapag naiinitan. Hindi pa ako mestiza niyan.
Binalingan ako ni doc Miel. She checked my skin’s condition. I was prepared for all his negative comments but she only insisted to make my skin lighter. Ang sabi ko kanina, okay na ako sa kulay na mayroon ako. I guess, mas gusto niya ang standard niya. But she didn’t force me. Tinawanan ni Kara, at nagbiro pa.
“Alright, Kara. Maybe some other time, makumbinsi ko ang Ate Aynna mo. You know naman…” She smiled then looked down at the paper she’s holding. Hindi na ako nagsalita pa.
May sinusunod na itinerary si Kara sa para araw na ito. Kaya nakiusap muna ako kina Aling Corazon at Liza na alagaan si Xavier. Pero pwede akong tawagan, sakaling magka emergency o ano sa bahay. Itong araw na ito ay pumayag na ako sa pinapagawa ni mama, sa paghahanda sa pagsabak ko sa Show business.
In-enroll nila ako sa isang gym at kinuha ng professional trainer. No’ng una ay humindi ako. Kinumbinsi ako ni Kara na i-try ang Pilates. I just didn’t know how to react since, wala naman ako nito dati. Pero ang kapatid ko na sanay na sanay sa pag aalaga sa katawan ay madali akong napapayag. Pagkatapos sa gym, dumeretso kami sa mall. To buy new clothes and clothes to wear kapag nagsimula na ako sa Pilates exercise.
Kasama namin ang kanyang road manager at personal niyang assistant na si Trina. Bago kami bumaba ng sasakyan, pinagsuot niya si Kara ng shades at hat. Pumasok kami sa department store ng mall. Some people looked at us, and some don’t. Pinagkibit balikat ni Kara. Pero si Trina ay nakaalerto. Sakaling may lumapit at magpicture sa kanyang alaga.
“Ito Ate, bagay sa ‘yo…” dinikit ni Kara ang isang maiksing dress sa harapan ko. It’s a black off shouldered body con dress. Tumaas ang mga kilay niya.
“This is too short…” mahina kong komento. Maganda ang tela kaya nga lang, naiiksian ako.
She chuckled. “Naku, Ate. May mas maiksi pang manamit sa industriya, ‘no. Medyo demure pa nga ito. Pa-sexy,”
Umiling ako. Tumango siya, at binalik ang damit sa display nito. “Hindi naman ako magpapasexy…”
Isang beses akong pinasadahan ni Trina ng tingin. She’s shorter and petite. Pero kapag nagsasalita, matining ang boses. Nginitian niya ako.
