ANGELA'S POV
Bumaba ako ng kotse saka tiningala ang company namin mas lalo itong lumaki.
Naglakad na ako papasok pero hinarang ako ng guard "Pasensiya na Ma'am pero ano pong kaylangan nila?" Tanong sa 'kin ng guard.
"Ako ang mag ma-manage ng company namin Kuya, kaya papasukin mo ko" sabi ko
"Naku Ma'am pasensiya na pero marami ng nagsabi niyan, hindi naman totoo maganda ka nga po pero alam ko pong scam yang sinasabi niyo!" napahilot ako ng sintido ko sa narinig mula sa kanya.
"Kuya, pakitawag ang tatlong Hernandez" sabi ko nagulat naman siya.
"Ma'am hindi po basta basta matatawag sila Sir, may mga ginagawa po sila"
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa inis.
Kinuha ko ang cellphone ko saka tinawagan sila Kuya may gc kaming apat si Kuya Anthony ang gumawa natatawa nga ako sa pinangalan niya sa gc '4 Cool A' ba naman ano kami bata.
Isa isa nilang sinagot ang tawag "Hindi ako makapasok" inis na sabi ko sa kanila.
"Naks naman, pa VIP pa kasi sabi ko kanina sumabay kana sa 'kin" tumatawang sabi ni Kuya Anthony saka sinuot ang shade niya ang lakas talaga ng tama nitong si Kuya.
"First time calling here, huh" Si Kuya Alvin
"Ang init napaka hot ko kasi" Umepal nanaman si Kuya Anthony napa irap nalang ako.
"Papasukin niyo ko!" Sabi ko
"Ayoko ko nga" asar sa 'kin ni Kuya Anthony
"Sige na ,sasabihin ko na papasukin kana" sabi ni Kuya Adrian kaya pinatay ko na ang tawag.
Napatingin ako kay Kuyang Guard na hawak ang cellphone niya at may binabasa.
"Hala Ma'am, pasensiya na po ikaw po pala si Ma'am Angela, pasensiya na po talaga Ma'am hindi ko po alam"
"It's ok, ayoko ng mauulit ito kapag naulit ito tanggal kana"
"Hala maraming salamat po Ma'am, pasensiyang pasensiya na po talaga" Tumango ako at naglakad papasok sinalubong ako ni Xianna ang magiging secretary ko.
"Good morning Miss Angela" Si Xianna ngumiti naman ako
"Good morning, Ma'am Angela"
"Good morning, Miss Angela"
"Good morning po Ma'am"
Yan ang naririnig kong bati sa akin ng lahat ng empleyado bawat madaanan ko.
"Good morning" seryosong sabi ko kapag pag ha-handle ng company lagi akong seryoso.
Binuksan ni Xianna ang pinto papasok sa opisina pumasok naman ako.
Saktong pagkapasok ko tumawag ang anak ko napangiti naman ako.
Umupo muna ako at saka sinagot ang tawag "M-mommy" nauutal na sabi niya kakagaling lang sa iyak ang pula pula ng pisngi pinanggigilan nanaman siguro ito ni Mommy.
"Why are you crying, baby?" Tanong ko
"She thought you left her, akala niya hindi kana babalik" si Mommy ang sumagot hindi siya sana'y magising ng wala ako sa tabi niya.
"Baby, diba ko okay na, napag usapan na natin ito kahapon diba" malambing na sabi ko
"O-opo, Mommy d-di na po a-ako mag ka cry, Mommy promise po" natawa ako sa sinabi ng anak ko siguro nagulat lang siya na wala ako sa tabi niya ng magising kaya umiyak.
"I love you baby, hindi ka iiwan ni Mommy puwede ba 'yun, hindi ko kayang iwan ka baby" Hindi kagaya ng tatay mo na iniwan tayo.
"I love you Mommy, see you later po" sabi niya
Pinatay ko na ang tawag napatingin ako kay Xianna na nakatingin sakin.
"May anak ka na po pala Miss Angela, parang nung nandito ka pa noon nung wala ka pang anak, hanggang ngayon pa rin walang pinag bago ang ganda ganda mo pa rin."
"Binobola mo ba ko Xianna?" Tanong ko
"Hindi po Miss Angela, oo nga po pala ito nga po pala ang pipirmahan niyo" Nilapag niya ang napaka-raming pipirmahan napabuntong hininga nanaman ako.
Kaya mo yan Angela.
"Miss Angela ito po ang schedule ng meeting niyo" binigay sakin ni Xianna ang isang folder binasa ko naman ito.
Ms. Salazar - 9:30 a.m
Mr. Robles - 11:00 a.m
Ms. Ablian - 12:00 p.m
Mr. Velazquez - 2:00 p.mVelazquez hindi kaya si Jaiden ito pero hindi lang naman siya ang Velazquez sa mundo.
Binigay ko na ang folder kay Xianna saka sinimulan ng pirmahan ang gabundok na mga papel na ito.