ANGELA'S POV
"Nandito naman kami" Sabi ni Kuya Alvin
"P-pero i-iba po kase yu-yung Daddy k-ko po talaga" nauutal at umiiyak na sabi ni Althea.
Ang sakit makitang umiiyak siya.
Niyakap ko si Althea "N-nasan po si D-daddy?" Tanong niya sa 'kin ramdam kong basang na ang damit ko ng luha niya.
"N-nasa ibang b-bansa si D-daddy mo a-anak, e" nauutal na sabi ko ayoko kong magsinungaling pero ayoko rin sabihin yung totoo.
Alam kong masasaktan si Althea kapag sinabi ko yung totoo.
"W-why, Mommy?" nauutal na tanong niya, humihikbi.
"Need baby, para sa future mo" sabi ko
"Why is Daddy still in another country even though we have a lot of money?"
"P-puntahan po n-natin siya" Humihikbing sabi niya
Ang sakit, ang sakit sakit hindi na ba matatapos ito.
Lord please, bigyan mo naman po ako ng lakas hindi ko na po alam yung gagawin ko, pagod na pagod na po ako.
"Hindi puwede anak, bawal tayo don" sabi ko at hinahagod ang likod niya.
Mas lalong lumakas ang iyak niya, hindi ko na kaya parang akong sinasaksak ng paulit ulit. Nangingilid ang luha ko pero ayokong umiyak sa harapan ng anak ko ayokong makita niyang ang hina hina ko.
"Mommy si Daddy ko po, mommy please"
Nanlalambot akong nakatingin sa anak kong lumuluha.
"Oo baby, uuwi si Daddy mo ha, tahan na" pagpapatahan ko sa kanya
"Really, Mommy?" Tipid akong ngumiti at tumango
"Mommy mag wa-wait po ako kay Daddy" Sabi niya napakagat ako ng ibabang labi.
"Y-yes nak" sabi ko at hinalikan siya sa noo.
"Akyat kana sa kuwarto mo, sleep na, ayaw ni Daddy napupuyat ka" sabi ko dahan dahan siyang tumango saka umakyat sinamahan siya ng mga maid.
Nang makapasok siya sa kuwarto ay bumagsak ang kanina ko pang pinipigilang luha
"Bakit ganito, bakit ganito mga Kuya nakakapagod, pagod na pagod na ko, hindi ko na alam yung gagawin ko, hindi na ko makapag isip ng maayos" humihikbing saad ko
"Ang sakit sakit, wala na bang katupasan ito, bakit ako?" Tanong ko kila Kuya na nakikinig lang sakin.
"Bakit ako yung nagdurusa ng ganito, bakit hindi nalang si Catherine bakit hindi nalang Jaiden bakit ako pa, ako yung iniwan, ako yung pinagpalit sa kaibigan, gusto pang ipalaglag yung anak ko, ngayon bumalik pa siya, lunod na lunod na ko" humihikbing sabi ko niyakap ako ni Kuya Anthony kaya mas lalo akong naluha.
Para na kong bata pero wala na akong pakialam.
"Mabigat, ang bigat bigat, lalo na yung taong inaasahan mo na masasandalan mo, dinagdagan pang lalo yung nararamdaman mo" ani ko habang habang patuloy na naglalandas ang luha ko.
"Kahit pagod ka na, tandaan mo na may lakas kang hindi mo pa natatagpuan" sabi ni Kuya Alvin at hinalikan ang noo ko.
"We love you our Princess" si Kuya Adrian.