PROLOGUE

1.1K 17 13
                                        





"Nagmamakaawa ako sa 'yo Jaiden, wag kang sumama sa kanya ako yung girlfriend mo e, ako, b-bakit kay Catherine pa, bakit kaibigan ko pa" nakaluhod akong nagmamakaawa na wag siyang umalis.




Please, kami yung piliin mo.



"Catherine is pregnant" Para akong nabingi sa narinig, nanghihina akong tumayo.



Sinampal ko siya ng mag asawang sampal "Hindi kita dapat minahal, sana hindi nalang kita minahal, ang sakit sakit mong mahalin." Humihikbing sabi ko.



Tumingin ako sa kaibigan kong si Catherine nakangisi siya sa 'kin ng nilingon siya ni Jaiden para siyang naging isang maamong tupa.



Lumapit ako kay Catherine saka siya sinampal at sinabunutan, kulang pa ito sa panlolokong ginawa nila
sa 'kin.



Dinuro ko siya "Tinuring kitang para ko ng kapatid Cath, kaibigan kita e, anong ginawa ko sa 'yo para gawin mo
sa 'kin 'to,"



"Sana hindi nalang kita nakilala, sana hindi nalang kita naging kaibigan, wala kang utang na loob Catherine." umiiyak na saad ko, kung maibabalik lang ang dati mas pipiliin ko nalang na hindi na sila nakilala.



"STOP, ANGELA" sigaw sa 'kin ni Jaiden saka ako tinulak.



"J-jaiden" nauutal na tawag ni Catherine sa kanya nang makitang may dugo ang binti niya.



"If something happens to Catherine and my child, I will kill you Angela." Wow, ang lakas mo magbanta parang hindi ka nagloko.



"Wala akong pakialam sa anak mo, at isa pa matagal mo na 'kong pinatay Jaiden," Napangisi ako habang umiiyak "Sa ginagawa mong 'to pinapatay mo na ko" patuloy na naglalandas yung luha ko.



Nakita kong lumambot ang ekspresyon niya, naawa na ba siya sa 'kin ngayon samantalang nung niloko niya ko sila ng ahas kong kaibigan, naawa ba sila sa 'kin.



Ayokong kinaka-awaan.



"May sasabihin pa ba kayo, sabihin niyo na oh para isang bagsakan na para isang sakitan nalang" patuloy pa rin ako lumuluha.



Napatingin ako sa hita ko ng may dugong umaagos "Yung anak ko J-jaiden, yung anak natin" nanginginig akong napaupo



Nakita ko ang gulat sa mata ni Jaiden pero agad din nawala ng tumingin siya ng diretso sa mata ko.



"Wala akong anak sa 'yo, hindi kita gustong maging ina ng anak ko" Nakakapang hina, nang hihina ako sa mga sinasabi niya.



"Abort the child" Walang tigil ang luha ko sa narinig mula sa kanya.



Wala kang kuwenta, Jaiden.




"P-paano mo n-nagawang sabihin 'yan, anak mo 'to Jaiden, laman at dugo mo 'to"



"J-jaiden dalin mo na 'ko sa hospital, please" si Catherine at ngumisi, napahikbi ako. Pagsisisihan mo 'to Jaiden at Catherine sinusumpa ko.



Umalis si Jaiden kasama si Catherine sinakay niya sa kotse at pinaandar papuntang hospital.



Hindi, hindi puwedeng mamatay ang baby ko nanginginig kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Adrian.



" FOR FVCK SAKE ANGELA  YOU'RE PREGNANT, NASAAN KA?" Sigaw ni Kuya sa kabilang linya kaya napahikbi akong lalo, wala silang alam.



"Nasaan daw si Angela/Where is she?" narinig kong tanong ni Kuya Alvin at Kuya Anthony.



"K-kuya puntahan mo ko dito sa SM Mall of Asia, p-please kuya hindi ko na kaya d-dinudugo ako" umiiyak kong sabi



"Hold on, I'm on my way" sabi niya at narinig kong kinuha ang susi hindi niya pinatay ang tawag.



Naramdaman kong unti unting bumibigat ang talukap ng mata ko bago pa man ako mawalan ng malay napahawak ako sa tiyan ko, kapit lang anak.



HIDING HIS DAUGHTER Where stories live. Discover now