CHAPTER 5

116 4 17
                                    

ANGELA'S POV


"Napaka gandang bata kamukang kamuka ko" narinig ko ang boses ni Mom.



"Correction kamuka ko, My" Si Kuya Anthony.




"Ako ang kamuka, Ma" Si Kuya Alvin



"Ako ang kamuka!" Si Kuya Adrian



"Tumigil kayo ako ang kamuka ng apo ko, napaka gandang bata naman saan pa magmamana sempre sa lolo" si Dad kaya natawa ako.



"Oh! Gising ka na pala Angela" si Kuya Anthony sinamaan ko siya ng tingin.



"Oh buti gising ka na rin Kuya!" sarkastikong sabi ko sa kanya.



"Oo nga sino nga ulit yung nahimatay kahapon?" Asar ni  Mommy



Tumawa si Kuya Alvin saka si Kuya Adrian.



"Hoy, Anthony wala akong anak na bakla" Si Daddy kaya mas lalo silang natawa.



"Dy, I'm not gay, do you want me to give you a grandchild too?" Tanong ni Kuya Anthony.



Binatukan ni Kuya Adrian at Kuya Alvin si Kuya Anthony "Ano ba ang sakit!" daing ni Kuya.



Inilingan lang ni Mommy saka ni Daddy sila Kuya.



Lumapit sa 'kin si Mommy saka si Daddy at dahan dahang pinabuhat sa 'kin ang anak ko.



Napatitig ako sa anak ko napaka gandang bata pero si Jaiden ang kamuka. Ako ang nagdala ng siyam na buwan tapos hindi ko kamuka!



Parang madaya naman ata!!!



Ang tindi talaga ng lalaking 'yon wala nga siya may xerox copy naman niya.



"Althea" Sabi ko lumapit sa 'kin sila Kuya nang marinig nila ang pangalan na sinabi ko.



"Welcome to the world baby Althea Jane Hernandez" nakangiti kong sabi.



Pag angat ko ng tingin nakangiti sa 'kin sila Mommy nginitian ko din sila.



May kumatok sa pinto bubuksan ni Daddy ng pinigilan siya ni Kuya Anthony "Ako na Dad" tumango naman si Daddy.



Pag kabukas ni Kuya Anthony ng pinto pumasok si James kasama ang kapatid niyang si Shiela.



"Hi ate!" Masiglang bati sakin ni Shiela saka tiningnan si baby Althea.



"She's so beautiful, ate" sabi ni Shiela



"Thank you" sabi ko



Lumapit din sakin si James nilapag niya sa gilid ko ang dala niyang mga prutas.



"Ang ganda naman ng inaanak ko!" Sabi ni James, ngumiti naman ako pero pansin kong titig na titig siya kay Althea.



"Anong pangalan niya ate Angela?" Tanong ni Shiela



"Althea" nakangiti kong sabi sa kanya.



"Parang may kamuka siya" sabi ni James kaya tiningnan siya ng lahat ng nandito.



"Sino?" Sabay sabay nilang tanong napalunok naman ako dahil sa kaba wag mong sabihing kilala ni James si Jaiden pero hindi naman siguro.



"Ah, tingin ko parang sumasakit ata ang ulo ko" kunwaring sabi ko at hinawakan ang ulo ko.



"Are you okay, Angela?" Nag aalalang tanong ni James at  tumango naman ako.



"A-ayos lang ako, p-puwedeng pabili ako James ng t-tubig" nauutal kong sabi tumango naman ito saka dali daling lumabas para bumili ng tubig nakahinga naman ako ng maluwag.



Kinuha ni Mommy sakin si Althea saka sila umupo sa isang gilid sumunod si Daddy at nilalaro ang maliit na kamay ni Althea.



Naiwan naman ang tatlo kong Kuya sa harapan ko nakatitig sila sa 'kin na para bang sinusuri nila kung kilala ko ba talaga o hindi ang tatay ng anak ko.



"May sasabihin ka ba, Angela?" Tanong ni Kuya Adrian



"W-wala Kuya, wala akong sasabihin" nauutal na sabi ko at inilipat ang tingin sa anak ko.



"Selfish na kung selfish but I swear Jaiden hinding hindi mo siya makikita" sabi ko sa isip ko.

HIDING HIS DAUGHTER Where stories live. Discover now