CHAPTER 4

125 6 5
                                    

ANGELA'S POV



"You know, Kuya Alvin, it would be much better if Angela was in the Philippines" Nakapangalumbabang sabi ni Kuya Anthony at kumukuha ng mansanas sa mangkok ko.



"Kuya naman, pinatalop ko nga ito kay Mommy tapos ikaw kakain" naiinis na sabi ko.



"Ang sungit mo naman buntis" sabi sakin ni Kuya Anthony.



"Don't annoy your sister, Anthony" suway ni Mom kay Kuya.




"Ang sarap kaya pikunin ni Angela, Mom" tumatawang sabi ni Kuya Anthony inirapan ko lang ito.



"Mom bat wala si Dad, bakit kayo lang ni Kuya Alvin saka ni Kuya Anthony ang nandito saka wala din si Kuya Adrian"



"Inaasikaso ni Dad ang company" si Kuya Alvin



"Eh, si Kuya Adrian?" Tanong ko



"May inutos sa kanya si Dad" sagot ni Kuya Anthony



"Nakakapag taka nga na nawalan ng 300 billion ang kumpanya" biglang sabi ni Mom



"Mom/My" sabay na tawag ng dalawa kong Kuya sa kanya.



"Ano po, bakit ang laki ng nawala sa company, kailan pa!" gulat na sabi ko



"Nung nakaraang linggo" sabi ni Mom



"My, Angela can't be stressed," Kuya Alvin said.



"I'm okay, Kuya."



"Tama ka diyan Mom, nakakapag takang nawalan ng 300 billion ang company, pero ang mas nakakagulat kinabukasan dahil may nagpasa ng 100 trillion sa company natin" sabi ni Kuya Anthony



Napanganga ako sa narinig nawalan kami ng 300 billion ang pumilit 100 trillion.



"S-sino ang n-nagpasa ng 100 t-trillion sa atin?" Nauutal na tanong ko hindi kaya si---



Pero hindi imposible.



"Wag mo nang isipin 'yan inumin mo na ito at matulog kana" ani ni Mom at binigyan ako ng gatas.



Ininom ko na ang gatas pagkatapos kong inumin ay tumayo ako inalalayan ako ni Mommy para pumasok sa kuwarto ko pero napahinto ako at napapikit.



"What's wrong, honey? Does something hurt?" nag aalalang sabi ni Mom



"M-mommy a-ang sakit po, manganganak na po ata a-ako" sabi ko at napahawak sa tiyan ko.



"ANTHONY, ANAK KUNIN MO ANG SUSI NG SASAKYAN MANGANGANAK NA ANG KAPATID MO!" sigaw ni Mommy mabilis na sumulpot si Kuya Anthony sa harapan namin ng makita niya akong manganganak na ay parang hindi niya alam ang gagawin.



"ANTHONY, BILIS" sigaw ni Mommy.



"M-mommy" nahihirapan kong sabi.



"K-kuya" nauutal na tinawag ni Kuya Anthony si Kuya Alvin.



Mabilis na lumapit si Kuya Alvin sa 'kin saka ako binuhat, saktong pagkabuhat sakin ni Kuya Alvin napasigaw si Mommy ng nahimatay si Kuya Anthony.



"OH MY GOD, ANTHONY ANAK!"



Dahil sa sakit ng tiyan ko hindi ko namalayan na naisakay na pala ako sa kotse ni Kuya Alvin.



"Enhale, exhale Angela" sabi sakin ni Kuya Alvin sinunod ko naman siya



Napahawak ako sa tiyan ko. Please anak, wag mo namang pahirapan si Mommy.

HIDING HIS DAUGHTER Where stories live. Discover now