Battle For Love / Chapter 13

264 9 0
                                    

A/N - Nakakainis lang na delete yung unang sinulat ko para sa chapter na to, yan nag iba nanaman ang takbo nito. Medyo malamya ang pagkasulat ko nito. Na inis kasi ako. Kahapon subrang taas ng sinulat ko kahapon eh. Kinikilig pa ako. Pero sa update ko na ito,kayo na ang humusga.

************************************

Lumilipad ang isip ko habang nag aayos ng mga gamit ko.

"Ate, alis na daw tayo mamaya parating na ang driver." Na gising naman ako sa boses na yun.

"Cge, malapit narin akong matapos." Sagot ko.At lumabas na ito ng kwarto ko. Pagkatapos ay nag bihis na ako. Paglabas namin ay sya namang pag dating ng magmamaniho samin papuntang airport. Tahimik lang kaming lahat. Busy lahat sa cellphone.Pagkarating namin sa airport ay agad naman kaming na upo sa waiting area. Isang oras pa ang aantayin namin. Para hindi ma bagot ay nag twitter at Instagram muna ako. Wala namang bago , sinagot ko lahat ng mga message at nag soundtrip nalang. Sa di ko inaasahang pag lingon sa gawing kaliwa ay nakita ko si jovelyn kasama ang maputing babae.Kakalabas lang nila sa comfort room at halatang nag hahanap ng mauupuan, ang inaakala ko ay sa harap ko sila ma upo. Bigla naman akong kinabahan sa akala ko. Yumoko ako ng kunti para di ako makilala, at sa kina hinga ko ng dibdib ko ay sa likod ko sila dumaan di ko na ito nilingon pa. Pinagpawisan ako dun ah.... Grabi ang lakas talaga ng tama ko sa kanya. Kakarinig ko lang kasi ng bilis ng tibok ng puso ko, parang galing lang sa takbo. Mayamaya ay nakaramdam ako ng pag vibrate sa loob ng coat ko. Cellphone ko pala, akala ko ano na. Si divine tumatawag kaya sinagot ko ito agad.

"Napatawag ka? uuwi na ako, atat ka masyado eh...."

"Bawal na pala tawagan girlfriend ko. Cge bye na.." Tampo nito.

"Joke lang yun, ano bayan. Sunduin mo ba ako?" Napabuntong hininga naman ito.

"Hindi eh, sorry miy date ako." Nabigla naman ako sa sinabi nya. Nagbibiro ba sya?

"Tama ba ang narinig ko?Umayos ka ha?" Natawa naman ito. Kainis.

"Ang sarap mong e'good time baby eh...miss na miss na talaga kita. Love you so much,baby." Lambing nito.

"Kainis ka naman eh....kala ko pa naman miy umagaw na sayo..kainis ka, humunda ka sakin pag balik ko."

"Bakit? bibigay kanaba? baby naman ...hindi pa ako handa bata pa po ako."Lokong to. Cge tumawa ka lang jan lagot ka talaga sakin.

"Baliw, cge na alis na kami. See you later,bye. Love you." Kinilig naman ako sa pag I love you ko sa kanya. Isang ngiti ang naiwan ng matapos ang paguusap namin ni divine.

Ginising ko yung mga kasama ko na borlog. Ako yung ng gising pero ako pa itong huling nakatayo.Pero tika? Miy naramdaman akong kamay sa kaliwang braso ko. Nang lingonin ko ito nanigas naman ang mga paa ko. Si jovelyn nasa likod ko pala sila naka upo. Tinanong ko naman ito kung bakit nya hawak ang kamay ko. Diba nya naalala na miy kasama sya na malang girlfriend nya.

"Papaalis kana gusto ko lang sabihin na mag inggat ka palagi." At binitawan na nya ang braso ko.

"Salamat" Akma na sana akong aalis ng biglang napaikot ako. Nakaakap na sya sakin pero nagulat naman ako ng makitang ngumiti ang babaeng kasama nya kanina at nag bukang bibig pa ito na ayos lang daw. Tama nga ang hinala ko. Girlfriend nga nya ito. Impernes nito sa mokong na ito maganda ang napiling bababe na jowain. Inakap ko naman ito nang bahagya at bumitiw na ,pero parang ayaw pa nya sana. Nakaramdam nalang ako ng halik sa ulo ko at humirit pa ito sa pisngi.

"Total ayos na tayo cguro ok lang sayo ang halik na yun. Ingat ka palagi ah....sana sa pag kikita nating lahat maayos na buhay ko." Di ko naman aya maintindihan kaya ngumiti nalang ako."Ingat palagi bachel ah....I love you."Bulong nito.

Sa subrang galak ng puso ko ng marinig ang sinabi nya di ko maiwasang hindi ma iyak. Subrang na miss ko ang palayaw ko. Na sya lang ang dapat tumawag sakin nito. Pero ang subrang kinaiyak ko ay ang huling sinabi nya. Di ko ito inaasahan subra na ang pag yakap nya sakin pero mas lalong nagalak ang puso ko ng sabihan nya ako nito. Matagal narin ang nakalipas nang huli ko itong marinig.

"Ingat karin nga pala ang ganda ng kinalolokohan mo ngayon. Kaya pala. Cge alis na ako. Baka maiwan ako dito." Sa gita ng pag hagulhol ko ay inakap nya ako ulit at bumitaw naman kaagad. Pinahid nya ang luha ko ng pulang panyo. Napangiti nalang akong hinanap ang kanyang mata. "I love you too, I love you so much sana ako nalang sya. I love you so much. Alis na ako." Di ko na kaya. Parang sasabog ang puso ko. Aalis na sana ako,pero nakayakap ito sakin sa likod.

"I love you so much,chel.Sorry sa lahat." At bumitaw na ito. Lumilitaw ang katawan ko, pero alam ko na naglalakad ako. Laking gulat ko nalang na humarap ako muli at nag lakad pabalik sa kanya. Ano bang ginagawa mo chel? Baliw kana ata. Baka ma iwan ka ng airplane mo. At ayun na nga ginawa ko na ang nasa isip ko na matagal na matagal ko nang gustong gawin kai jovelyn. Mabilis akong nag lakad pa pasok ng eroplano. Pinagpawisan akong nakapasok sa eroplano. Nagawa ko nga litaw naman ang isip ko. Nagawa ko nga saglit lang naman. Nagawa ko nga di naman sya nakasagot. Nagawa ko nga malamang nag away na ang dalawang yun.Nagawa ko nga inuusig naman ako ng konsinsya ko. Pero naman chel hindi pweding malaman ni divine to, NEVER.

Habang nasa himpapawid ay di ako mapakali.Kaya makikinig nalang ako ng kanta. Pagka dukot ko ng cellphone ko ay panyo ang na kuha ko. PULA. Ito yung ipinahid ni jovs sakin kanina.At di ko na ulit mapigilan ang sarili ko. Tahimik akong naiyak sa upuan ko habang inaaamoy ang panyo.

Lahat ng magandang nangyari samin ni jovs noon ay bumalik sa isip at puso ko. Lahat ng magandang pangyayari na nagpakalama ng puso ko.

Nakakainis lang isipin na talagang wala na akong pag asa sa buhay nya.Nakakainis lang isipin na mas maganda ang girlfriend nya.Nakakainis lang isipin na mahal na mahal nya ito. Nakakainis lang isipin na mahal na mahal ko sya. At subrang nakaka inis lang isipin na kahit miy girlfriend na ako ay nagawa ko pang halikan ang kasintahan ko noon.

Battle For LoveWhere stories live. Discover now