A/N
@iamEFFF dedicated ang chapter na to sayo:))hehe
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 5
Daichi, the Mannequin...
Daichi's POV
11:30 pm...while eating at Sayuri's Kitchen..
" *gulp* wooh sarap talaga! nabusog yata ko ng husto ah? teka nga! ba't parang ang tagal naman yatang bumalik dito ni Sayuri chan? baka tinulugan na ko nun ah? " kaya sinilip ko siya sa may sofa habang kumakain ako..
" nanunuod lang pala ng tv, tapusin ko nalang tong kinakain-------- AY MATANDANG BABOY! Ugh! Ugh!!" bigla akong nabulunan ng sumulpot ang fairy God mother ko sa harapan ko! buwiset na matandang to oh!
"Tama ba ang narinig ko? tinawag mo kong matandang baboy??!!" nanggagalaiti niyang tanong habang namumula ang mukha! ahaha apple nalang kulang pangfiesta na!! joke!
" w-wala po kong sinabi! baka namali lang kayo ng rinig!"
" Aba't ginawa mo pa kong bingi ngayon?!! ikaw talagang bata ka! napakapilyo mo!!" at hinampas niya ko ng magic wand niya sabay habol sakin paikot ng kusina!!potek!! " Aray!! hindi naman kayo yung sinasabihan ko! yung ulam ko lasang matandang baboy!"--- " nagpapalusot ka pa! eh rinig na rinig ng dalawang tenga ko!! halika dito tatamaan ka talaga sakin!!"
WEW! kawawa naman ang braso ko!! kanina pa nahahampas!!
" O sige na lola! aamin na ko! kasi kayo eh! bakit kaya hindi niyo subukan magdiet?"
"aba talaga namang!! damuho ka talagang bata ka!! wag mo kong matawag-tawag na lola!!!" at inabot na nga ako ng ulit ng magic wand!
"ARAY!! gumagalang lang naman ako sa nakakataba este nakakatanda sakin eh! ayaw niyo pa nun? eh di..... CHUBBY GRANNY!! CUTE!!!" sabay takbo ko ulit palayo!!ahahaha!!
"Chubby Grann?------ Haaaaiiiisssttt!!!! walang hiya ka talaga!! tataas ang presyon ko sayo eh!!! humanda ka sakin pag naabutan kita hindi na kita ibabalik pa sa pagiging tao!! magiging mannequin ka na habang buhay!!"
o_O
kaya napatigil ako bigla!! " K-Kayo naman Gran---" ano bang itatawag ko eh matanda naman talaga siya?
"Kayo naman po, hindi na kayo mabiro o! wala namang ganyanan beautiful grandma o?"
" eh di natakot ka rin! pinagod mo ko! ano? napapirmahan mo na ba yung kontratang binilin ko sayo?"
"Hai! walang kahirap-hirap!" kung alam niyo lang granny, katakot-takot na hampas at pamimintang ang inabot ko bago ko napapirmahan sa kanya ang kontrata
"Mabuti naman kung ganon! sandali, sinabi mo ba sa kanya ang totoong pagkatao mo?"
" hindi ho, alam ko namang hindi pwede.."
"tama ang ginawa mo, marunong ka naman palang sumunod sa usapan natin.."
" paano kung walang mangyari sa loob ng limampung araw grandma beauty? may pag-asa pa ba akong bumalik sa dati?"
" malalaman natin yan sa mga darating na araw hijo! kaya umayos ka! minsan ka ng naturuan ng leksyon sa kapilyuhan mo! pero dahil alam kong may pag-asa ka pa, binigyan kita ng pagkakataon, goodluck sayo ha? ako'y mauuna na! pag-isipan mo ng maiigi ang bawat gagawin mo! *wiiink!*"---------" Grandma beauty sandali!!!" at bigla nalang siyang naglaho!
Pwheew! mukhang kailangan kong diskartehan tong mag-isa ah? tama si Granny, minsan na kong nasampolan dahil sa kapilyuhan ko daw noon na hindi ko matandaan dahil nung oras na sinumpa ako, tinanggal rin ang alaala ko, kaya nga hindi ko rin alam ang pangalan ko, hindi narin pinaalam ni Granny, siguro nga hindi ako naging mabuti noon at ito ang pangalawang pagkakataon ko para bumawi at bumalik ulit sa dati...
oo, hindi ako isang ordinaryong mannequin na binuhay lang para tulungan si Sayuri tulad ng sinabi ko kanina sa kanya, at lahat ng paliwanag ko tungkol sa pagbuhay sakin kasinungalingan lang, isa kong sinumpang mannequin na dalawang taon ng nakakulong sa auditorium nag-iintay na dumating ang prinsesa ko, ang babaeng magmamahal sakin at mamahalin ko rin ng totoo para bumalik ako sa dati kong buhay, kaya hindi ko sinabi sa kanyang sinumpa ako, alam niya ang tungkol sa true love's kiss at alam kong yun din ang iniisip niyang kapalit ng kontrata..
and this time nakita ko na siya! Kung sinabi ko sa kanya, hindi na niya pipirmahan ang kontrata at higit sa lahat sa tingin niyo ba kusa niya kong mamahalin ng totoo kung alam niyang yun ang kapalit ng kontrata? imposible hindi ba?
Mahulog nga kaya siya sakin sa loob ng 50 days? lalo na ngayong punong-puno ng galit ang puso niya dahil sa dalawang taong nanloko sa kanya?
sana, dahil handa naman akong gawin ang lahat maghilom lang ang sugat na nasa puso niya, kaya nga hindi ako nagdalawang isip na papirmahan sa kanya ang kontrata, mahaba ang 50 days at marami akong pwedeng gawin para mapasaya siya at tulungan siyang bumangon, nang sa oras na malusog na muli ang puso niya at wala na ang sakit na nararamdaman niya, baka sakaling handa na siyang buksan ito at mahalin ako..
Pagpapanggap ang laman ng kontratang pinagkasunduan namin, ngunit simula ngayong gabing to, handa na kong maging matinong boyfriend na walang halong pagkukunwari, kahit alam kong sa isip niya pansamantala lang ito.......
*** wiiiiiinnnkkkkk.......***
time check...
12:00 midnight.....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N
at ito na po ang chapter 5:) sorry po maikli lang, POV lang po kasi ito ni Daichi:)) magtagumpay nga kaya si Sayuri at Daichi sa kontratang pareho silang makikinabang? samantala, anu-ano ang gagawin ni Daichi mapa-ibig niya lang si Sayuri at makuha ang pagmamahal nito? at paano nga ba nila paghihigantihan sina Ali at Hiro? abangan sa mga susunod na kabanata:)))
BINABASA MO ANG
Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED]
FantasyFormer Title: 50 days contract with my mannequin boyfriend If you're planning for a sweet revenge, You've got the mannequin to deal with.