Chapter 19 - Twisted Hearts...

2.2K 53 13
                                    

Chapter 19

Twisted Hearts...

Sayuri's POV

10:00 pm....

" Hoooh... ang lamig naman..." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad kami sa kalye para magpababa ng kinain namin kanina... sabagay malapit na ang pasko.. haayy.. sana naman sa darating na pasko, sumaya naman ang puso ko...

" babes.. suutin mo muna to o, mukhang giniginaw ka na e.." nang bigla namang pinatong ni Daichi ang coat niya sakin..

" s-salamat..p-pero daichi baka lamigin ka rin sayo na to.." 

 "ayos lang ako babes, mas manipis ang suot mo kesa sakin kaya mas kaya ko ang lamig, tyaka nakalimutan mo na bang mannequin lang ako? kung mamatay man ako sa lamig dito, wala namang maghahanap at ngangawa para sakin, baka nga matuwa pa lalo na ang huling babaeng sinaktan ko raw.." ng biglang humina ang boses niya kaya hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya..

" ano Daichi?" tanong ko..

 "ha? aah wala.. wag mo na yun intindihin, basta, mas importante sakin ang kalusugan mo ngayon okay? para san pa't naging boyfriend mo ko kung hindi naman kita maalagaan? kaya wag na matigas ulo babes, sayo na muna yan :)"

haay napakasweet naman ng lalaking to e kainis.

"s-sige na nga sabi mo e, sigurado kang okay ka lang ah? hoy Daichito baka nakakalimutan mo rin tao ka ngayon at hindi pa tapos ang 50 days contract kaya hindi ka pa pwedeng mawala sa tabi ko maliwanag? "

                                     

" yun lang?" bulong nanaman niya sa sarili niyang hindi ko ulit maintindihan!

" ano? ba't ba para kang bubuyog dyan na bulong ng bulong?"

" ha? hindi ako yun, baka may bubuyog lang sa tabi mo?"

" ay hindi ba ikaw? b-baka nga.. p-pero naintindihan mo ba yung sinabi ko kanina? "

"yes boss! hindi ko naman nakakalimutan yun.. aah b-babes.. mamimiss mo ba ko pag nawala ako?"

                                   

                         o_______O

" h-ha?" gulat na gulat kong tanong! ba't naman bigla niyang naisipang tanungin ako kung mamimiss ko siya? hindi ko tuloy alam sasabihin ko, ano bang dapat kong sabihin? haayyy!

 "wag mo na nga sagutin, biro lang haha! "

"ngek! ikaw talaga! ba't parang hindi naman mukhang joke yung mukha mo kanina?!"

" gwapo kase ko kaya hindi mukhang joke!"

" tsshh.. parang lumamig lalo ah? lumakas ata yung hangin. "

" aww! hanggang ngayon ba naman hindi ka parin naniniwalang gwapo ako?"

" Oo! naniniwala ako! kaya nga kung sinu-sinong tumatawag sayo ng cutie pie diba? walang kaduda-dudang napakagwapo mo talaga!!   "

                                       
" wew! ba't naman biglang napasok yung linta na yun sa usapan? tyaka ba't parang labas naman sa ilong yang napakagwapong yan babes? "

" tsshh! ayaw mo? sige babawiin ko!---------"Hep! naniniwala na ko! sinabi mo na, babawiin mo pa e. "

" hihi!-------t-teka..s-showing na ulit to?" napatigil naman ako at napatingin sandali sa poster ng isang movie, yung "the notebook" na matagal ko ng gustong panuorin noon kasama si Hiro na hindi ko napanuod dahil hindi niya type, iba nalang pinanuod namin..

Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon