Chapter 26.1 - Drunk...

2.1K 45 2
                                    

Chapter 26

Drunk...

Sayuri's POV

11:00 pm....

" Hindi kita iiwan.. " huling linya ng kantang binitiwan sakin ni Daichi at pinunasan niya ng daliri niya ang luha ko sa pisngi..

" Wooh! nice one brother! palakpakan naman dyan guys! mukhang hindi pa makaget over sa sweetness niyo ang audience ah? btw, It's really different when you sing from your heart, thank you Daichi, and Miss Sayuri *smirk*"

inalalayan naman niya ko pababa ng stage habang nagbubulungan kaming dalawa...

" Babes ayos ba boses ko? buti nalang kabisado ko yung kanta *smirk*"

" Oo, kung di ka nga mannequin, iisipin ko, vocalist ka talaga e.. A-ang bilis mo naman makabisado yung kanta, kanina mo lang pinakinggan yun diba?pero kainis ka naman Daichi e, naiyak tuloy ako kanina, tinamaan ako sa kanta eh.."

" Eh sakin?"

" H-ha?---------- ICHIKAWA! NAKS! GANDA NG BOSES NATIN AH?! *hik* MAY APAT NA BASO KA PA DITO O! UBUSIN MO NA!"

-__________-

ayan na nanaman sila e!

"Oy! Tigilan niyo na nga si Daichi! hindi na siya iinom, kuha niyo?! igagaya niyo pa si Daichi sa inyong lasinggero!"

" Hoy! team leader! *hik* ano bang problema mo? e nagseselebrate kami e! wag mo nga kaming pagtaasan ng boses dyan! hindi porket team leader ka eh kakayankayanin mo kam---" Pre, awat na, baka nakakalimutan mo girlfriend ko ang sinisigawan mo? sige na, uubusin ko na yan.."

" Daichi? k-kaya mo pa ba?"

" babes, kaya ko pa, nakakanta pa nga ako e, pagbibigyan ko lang tong mga to, mamaya pagdiskitahan ka pa eh, maupo ka nalang muna dyan.."

" s-sige na nga, pero pag nakita kong di mo na kaya, uuwi na tayo okay?"

 

" Yes boss. " ngisi niya sakin na para bang confident na confident na di siya malalasing.

ilang saglit pa....

" *hik* hoooh! Ehehe l-lasing na yata ko mga tol *hik* a-anong oras na ba? " nauutal na tanong ni Daichi sa mga kasamahan niyang mukhang tinamaan narin ng husto at hindi na makausap!

Confident pa siya kanina ha?

" Oras na para umuwi tayo Daichi! aaiisshh! dapat kanina pa kita niyaya e, tingnan mo nga! hindi ka na matayo dyan!"

" *smirk* u-uuwi na tayo? hehe *hik*" mukhang ulol naman niyang tanong! nako naman talaga o!

" Oo! abutan ka pa dito ng alasdose eh, halika na nga itatayo kita!--AY!" napaupo naman si Daichi ulit sa upuan! ang bigat naman niya! " haay, ikaw kasi maglalasing lasing ka hindi mo pala kaya, nagpapauto ka sa mga yan eh mga sanay na yan sa inuman!" pinatong ko naman sa balikat ko ang braso niya at tinayo ko siya ulit" Daichi naman wag kang magpabigat, di di tayo makakauwi neto e..tsshh.."

hanggang sa naitayo ko na siya, nang bigla naman siyang bumulong sakin...

" *hik* b-babes.. tinatawag yata ko ng kalikasan..."

" h-ha? a-anong tinatawag ka ng kalikasa--------

Wag niyang sabihing? naiihi siya??

" B-babes... l-lalabas na.. s-san ba pwedeng magbanyo?"

Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon