The END of CONTRACT

2.9K 72 12
                                    

Graduation ball...

         
Sayuri's POV

               
 11:00 pm....

                  
Matapos ang matagumpay na fashion show kanina, ngayong oras naman na ito gaganapin ang graduation ball namin.

                      
Siguro ito ang sandali na pinakahihintay ng lahat,

                       
Pero para sakin,

                   
Ito ang gabi at sandaling ayokong mangyari at hinihiling na sana hindi nalang dumating..

                         
dahil ito rin ang huling gabi ng kontrata, ang huling sayaw namin ni Daichi.

Bago pa man magsimula ang grad ball, niyaya na ni Justin si Youko sa gitna para isayaw, habang kami ni Daichi..

                         
Nakatayo lang ngayon pareho sa isang tabi at hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya, parang kinakabahan siyang ewan, ni hindi pa nga kami nakakapag-usap simula kanina dahil kung hindi mga kaklase ko ang lumalapit sakin para icongratulate ako, mga judges naman ang lumalapit at inooferan ako ng trabaho dahil natuwa daw sila sa designs ko...hindi ko rin naman maintindihan kung bakit parang nahihiya at naiilang akong kausapin si Daichi,  kanina ko pa nga siya gustong makausap at makita, ngayon para kong natulala sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw....naalala ko kasi yung nangyari kanina ng masalo niya ko sa stage.. tinawag niya kong mahal ko...

                            
at ilang saglit pa tumugtog na ang unang kanta..

         
[ BG music: Huling sayaw(acoustic)  by kamikazee ft. Kyla] play niyo po ha?salamat.

                       
"ehem.. b-babes, sayaw tayo.." alok sakin ni Daichi habang nakangiti at iniintay akong iabot ang kamay ko sa kanya..hanggang ngayon pala babes parin tawag niya sakin?

                     
" h-ha? s-sige.." sagot ko habang nakayuko at hindi ako makatingin sa kanya.. inabot ko naman ang kamay ko at dinala na niya ko sa gitna...

             
Nang nasa gitna na kami, para naman akong nauupos na kandila sa titig niya habang nilalagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya, at dahan-dahan niyang ineextend ang dalawang kamay niya galing sa bewang ko papunta sa likod ko hanggang sa naramdaman kong konti nalang nakadikit na ang katawan ko sa kanya..

                   
" Sayuri.. miss na miss na kita..." bulong niya sakin habang tinititigan niya ko na ikinabilis ng tibok ng puso ko.. "i-ikaw din, namiss din kita.. s-sobra.." nauutal kong tanong habang nakayuko at iniiwasan ang titig niya.." k-kung namiss mo ko bakit hindi ka makatingin sakin? kanina ko pa napapansin na naiilang ka sakin, may mali ba sa mukha ko? s-sa damit ko?" haay bakit ba kasi ako naiilang sa kanya na ewan? ni hindi ko nga siya matingnan.. parang kinakain ako ng mga mata niya, a-at bagay na bagay pa sa kanya ang suot niyang puting tuxedo na dinisenyo ko hango sa suot ng mga prince charming sa fairy tales na napapanuod ko.. pakiramdam ko tuloy para akong prinsesa...

" A-ang gwapo mo kasi----" ano babes?"----s-sandali, b-babes parin tawag mo sakin?"

" oo, di parin naman tapos ang kontrata diba? kaya babes parin kita *wink* ano nga yung sinabi mo kanina?" hay naman e, nakakainis naman tong lalaking to, huling gabi na pinakikilig parin ako, binibigyan nanaman ako ng dahilan para mamiss ko siya ng sobra pag nawala na siya, p-pero buti nalang hindi niya napakinggan yung kanina, kundi maghahangin nanaman ang utak ni Daichito.

Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon