Chapter 28 - Confrontation...

2.2K 58 13
                                    

Chapter 28

Confrontation...

Youko's POV

Youko's house...

" Anak! bangon na! kakain na tayo!" tawag sakin ni mama galing sa baba! haaayy, inaantok pa ko e,mama naman o!tsk.

" Opo! bababa na po!" sigaw ko naman habang kinukusot ko ang mga mata ko..

Pagbaba ko ng hagdan, agad naman akong dumiretso sa lababo para maghilamos at magmumog, pakiramdam ko nahihilo parin ako sa nainom kong gin kagabi..

at umupo na ko sa dining table habang nakataas ang isang paa ko at sumandok na ko ng kanin,  nakatingin naman sakin sina mama at papa na parang may gustong sabihin, parang makahulugan pa ang ngiti nila ah?

ano kayang problema nila?

" Ma, pa? b-bakit ganyan kayo makatingin sakin? kung may gusto kayong sabihin, sabihin niyo na nga! tsshh. "

" Eto namang si anak! ang aga-aga high blood! ibaba mo nga yang paa mo! para ka nanamang tomboy e!" 

 
" Eh kumportable akong kumain sa ganitong posisyon e, kelan niyo pa naman ako sinita? dati naman hindi niyo pinapansin ang pag-upo ko ah?"

 
" Noon yun anak, pero ngayon may manliligaw ka na, dalaga ka na, dapat upong prinsesa! diba honeybunch?!" baling naman ni mama kay papa!

" A-anong manliligaw?! wala naman akong manliligaw eh! di nga ko mag-aasawa eh!"

 
" Nako anak, sinasabi mo lang yan, sa ganda mong yan, imposibleng hindi ka mag-asawa, bigyan mo naman kami ng apo anak..."

at apo naman ngayon?! waaaahhh!!

" Papa naman eh! apo agad? hindi ba pedeng boyprend muna?"

" Aba anak? bakit? boyprend mo na ba yung naghatid sayo kagabi? aba'y magandang senyales yan! babae na ang anak natin honeybunch!"

                                                  -________________-

" Hindi ko boyprend yung ungas na yun papa nu! tsura! mas lalake pa ko dun! kaarte nun! "

" Mukhang okay naman siya anak ah? gwapo, gentleman, may kaya sa buhay, mabait pa, at higit sa lahat magalang samin ng papa mo! kung kami ang tatanungin mo, payag na kaming magkaboyprend ka tutal graduating ka nanaman diba?"

" mama?!" nangangalaiti kong sigaw! hay! anu bang nangyayari sa kanila? ba't ba nila ko binubugaw este pinagpipilitan sa baklitang yun?!

" baka naman iniisip mo anak, masyado kaming strikto kaya natatakot kayong magtapat samin ng relasyon niyo, pero anak, ngayon palang binibigay na namin ang basbas namin sa inyo.."

" P-pero mama hindi naman po talaga nanliligaw sakin yun e! at lalong hindi ko po boyprend yun! ang kulit niyo naman po eh!"

" sige anak, naiintindihan ka namin kung nasa indenial stage ka pa, ganyan talaga pag nagsisimula palang makipagrelasyon eh, takot pa, pero kung handa ka ng sabihin samin eh nandito lang kami, sige na kumain ka na anak!"

Waaaahhh! hindi naman talaga eh!kaiyak!

" tsshh... m-mabuti pa ngang kumain nalang ako. " yung totoo? sinong bangag? ako, o sina mama't papa? kinikilabutan ako sa mga sinasabi nila e!

ilang saglit pa....

ding dong!

" Ay nandito na pala siya! tamang-tama sa almusal! teka sandali at pagbubuksan ko lang ng pintuan yung boyprend mo anak!" 

Fifty Dates With the Midnight Prince (REVISED) [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon