Bianca's POV:
"Hi Bianca:)" sabay wink sakin..
Tumingin lang ako saglit sa mga mata niya at nilihis ko agad
"Napaka sungit mo talaga sakin! Choosy ka paba?" Tapos pinakita niya yung killersmile na gustong gusto ng mga girls samin
Tinignan ko ulit siya at nilihas ko agad. Mas yumuko ako habang nagbabasa para hindi ko na siya mapansin.
"Masyado ka ng matalino para magbasa basa pa. Pansinin mo naman ako" pangungulit paren niya.
Hinawakan niya yung chin ko at pinaharap sakanya. Unti unti niyang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa 2inches na lang ang layo niya sakin
"I like you Bianca" hawak niya paren yung chin ko at aakmain niya kong halikan.
Pero hindi ako pumayag. Tinulak ko yung noo niya kaya siya 'napaaray'
"Hoy Miguel! Hindi mo ko madadaan sa pagcha-charm charm mo! Kung yung ibang girls nakukuha mo sa ngiti mo lang, pwes ako hindi!!"
Saka ako nag walk out at iniwan siya...
Ako nga pala si Bianca Umali, ang babaeng nakasuot ng nerdy glass, laging nakasuot ng longskirt, jologs na damit, at laging nakatali ang buhok. Never mo kong makikita na naka porma na para bang model o katulad ng ibang girls! Eh ganun talaga ako eh, wala kayong magagawa:P Haha joke, mabait ako masungit lang talaga ako sa ibang tao lalo na kay Miguel-,-
"Alam mo girl, ikaw na talaga! Biruin mo, until now kinukulit ka paren niyan ni Miguel. 5months kana niyang sinusuyo ah, mukang sincere naman. Bakit hindi mo kase bigyan ng chance? Bat ayaw mo ng sagutin, diba?"
"Ano? Sagot agad? Edi pa nga ako nagpapaligaw sagot agad? Haha ayus ka talaga Ashley-,-"
"Alam mo, napaka choosy mo! Ang dami ngang naiinggit sayo ng mga girls eh. Oo, alam nating chickboy siya. Pero simula ng pinopormahan ka niya, eh puro girls na lang ang lumalapit hindi na siya. Oh diba girl, nagbago siya para sayo"
BINABASA MO ANG
Compilation of BiGuel Stories
FanfictionCompilation of Bianca and Miguel Stories By courtneydisney Date started: August 29, 2015