Pinagtagpo, pero Hindi Nakatadhana

828 31 19
                                    

Bianca's POV

"Masyado na tayong nasasaktan. Ayoko na"

"Bianca ... Suko na din ako"

Parang unti unting winawasak itong puso ko ng marinig ko ang mga sinabi niya. Parang gripo na itong mata ko na walang sawang lumalabas ng luha. Nahihirapan na akong maka hinga dahil sa nangyayare ngayon. Ayoko siyang mawala. Pero ito na lang ang paraan para matapos na ang sakitan namin.

"Mahal kita Miguel, alam mo naman yun diba?"

"Oo. At mahal na mahal din kita. Pero, ayaw na kitang saktan. Masyado na natin sinasaktan ang sarili natin. Kaya't tapusin na natin ito"

Napayuko lang siya at lumuha na din siya. Nakakagat ko na lang ang labi ko sa sobrang mabigat na intensyon ang pumapagitna sa'min. Ayokong mangyari to. Pero ito na lang ang paraan para magkaroon kami ng space. Maliwanagan, makapag move on, at isipin na hindi talaga kami para sa isa't isa. Isa na lang siya sa parte ng buhay ko. No special, isang ordinaryong tao.

"I... Set... Kahit masakit, I set you free... B-baby myti"

My voice was broken. Ayaw ko siyang lumayo. Siguro tama na din na pupunta na siyang Korea. Para madali na lang na makapag move on kami sa isa't isa. Ano ka ba Bianca, hindi lang si Miguel ang tao sa mundo. Makakahanap ka din ng mas better sakanya. Please, stop crying na. Sobrang hirap na eh.

"Siguro nga, Pinagtagpo, pero hindi Nakatadhana. I'll miss you baby myti. Ingat ka!"

I just nodded as my response. Tinakpan ko na lang ang mukha ko at pinigilan ang pag hikbi ko. Naramdaman ko na lang na umalis na siya sa tabi ko. Hindi ko na napigilan ang pag hikbi at pag buhos ng luha ko. Lalo lang ako masasaktan kapag pinagmasdan ko siyang umaalis sa tabi ko. Baka himatayin na ako kapag ginawa ko yun. Ayoko siyang umalis. Pero kailangan.

*****

"Wait lang ... Saglit! Istorbo naman ito. Aga aga pa eh"

Naistorbo ang tulog ko dahil sa sunod sunod na katok. Siguro kapatid ko lang tong si Celine. Kahit kailan istorbo naman talaga yun eh.

*knock* *knock*

"Ito na! Bwisit! Kalma ka nga Celine!"

Binuksan ko na ang pinto. At nagulantang na lang ako ng naramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Shocks! Hindi to si Celine. Si baby myti to! Ughhhh!!! Nakakainis naman eh. Goodvibes agad ang morning ko.

"Good morning baby myti. For sure good na good ang morning mo dahil sa kiss ko"

Compilation of BiGuel Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon