A Handsome Pervert

541 24 11
                                    

Bianca's POV

Kasalakuyan akong nandito sa bahay ng kaibigan ng boyfriend ko. Sinama lang naman talaga ako dito ni Dustin para makilala ko pa ang ibang kaibigan niya. Iilan pa lang kasi ang mga kakilala ko. Bago pa lang ako dito sa Pilipinas, sa Singapore na kasi ako tumira. Pero alam ko parin naman ang tagalog. Pure Filipino parin naman kasi ako.

"Bianca, we're here,"

Hininto na niya ang sasakyan at bumaba na siya. Binuksan naman niya ang pinto ko para makalabas na din. Nasa tapat na kami ng bahay ng kaibigan niya. Rinig na rinig 'yung ingay ng tugtog dito. Kung tutuusin parang papasok ako sa bar.

"Let's go, for sure you'll enjoy inside"

Hinawakan na niya ang kamay ko at handa na kaming pumasok. Pero pinigilan ko siyang maglakad.

"Babe, what's problem?"

"I wanna go home"

"What? Eh kararating lang natin. Tsaka usapan natin na ipapakilala ko sayo ang mga tropa ko di'ba?"

"Yeah, but.. Alam mo naman na hindi ako sanay sa gantong lugar"

Kung makakapasok ako, first time ko lang makakapasok sa gantong kaingay. Hindi ako sanay sa ganto. Mas gusto ko pang mag stay sa kwarto ko at manood ng movies. Ayun talaga ang kinahihiligan ko since bata pa lang ako.

"You're with me. Trust me, I'll take care of you. Okay?"

Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako papasok do'n sa loob. Pagpasok namin, amoy ko na agad ang alak at usok ng sigarilyo. Eew talaga! Hindi ako sanay sa gantong kabaho na lugar. Bakit nga ba pumayag ako kay Dustin na sumama dito?

"Oh Dustin, akala ko drawing na naman ang punta mo"

"Dustin, mah bro! I'm smiling that you.. that you.. go inside here, hehe"

What? Nagbibiro lang naman siguro siya no?

"I speak english but I can understand tagalog. 'Wag mo nang pahirapan sarili mo bro!"

Dustin said. Rinig ko ang tawa ng mga iba pa niyang kaibigan dahil sa english ng kaibigan niya. Hindi nga pala talaga siya nagbibiro. Talagang hindi talaga siya marunong mag english. wth.

"Anyways, I want you to meet my girlfriend. This is Bianca,"

I wave my hand para naman mag hi sakanila.

"Hi Bianca!"

"Oh hello, girlfriend of Dustin called Bianca"

Ayan na naman siya, wala na bang mas tatama pa sa english niya?

"Ah hello,"

I just smiled at them

"Ranz and France, my twin'friends"

Aniya ni Dustin. Magkakambal pala sila. Pero hindi sila masyadong magkamukha, weird!

"And this is Maurine, you can call her Mau na lang. I'm sure magiging ka close mo 'to"

"Hi Bianca,"

Nakipag beso sa'kin yung Maurine, mabuti na lang talaga may babaeng kaibigan itong si Dustin. Hindi ako masyadong mab-bored dito.

"I'm Dustin's friend since highschool. You are in the right person, for sure hindi ka sasaktan ng kuya ko"

Dagdag pa niya. Pero kuya? Kuya pala ang tawag niya kay Dustin. Mukhang close na close nga sila.

"We're friends but sister at the same time. I treat her like a sister, mabait kasi si Mau eh"

Paliwanag ni Dustin sa'kin. Mukha naman talagang mabait si Maurine, feeling ko nga makakasundo ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compilation of BiGuel Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon