Bianca's POV
"Ano bang problema mo pati fb password mo pinagdadamot mo? Siguro may tinatago ka no? Ano!"
"Ano ba Bianca, Overreacting ka! Wala akong tinatago no"
"Kung wala edi akin na fb password mo! Yun lang naman hinihingi ko eh. Sige na baby"
"Ang kulit mo! Sabi ng ayoko eh! At wala akong tinatago! Dyan ka na nga!"
"Huy! Baby! Marco ano ba!"
At iniwan na lang niya ko basta basta sa park.
Hays, ilang araw ko na talagang napapansin na sobrang cold niya sakin. Tignan mo, pati FB password niya. Pinagdadamot niya sakin. Alam ko talagang nambababae na yan eh. Kaso wala akong pruweba. Ayoko namang sisihin yun sakanya ng wala akong pruweba. Mahal ko siya, Mahal ko si Marco. Pero sana naman mali itong mga inaakala ko.
Umuwi na lang ako at nag bukas ng facebook. Tinignan ko kaagad kung naka online si Marco. Pero naka active 1 hour ago siya, kaya nileave ko na lang yung message ko sakanya
"Baby, sorry na. Wag ka sanang magalit. Hinihingi ko lang naman facebook password mo eh. Ok fine hindi na kita kukulitan. Wag ka ng magalit ah, dadalhan kita ng food sa bahay niyo tomorrow morning. I love you Baby!"
Masasabi niyo bang ang T*nga ko sa pag ibig? Na mali tong ginagawa ko? Hindi niyo ko masisisi, nagmamahal ako. Mahal ko si Marco, at ayokong sayangin ang 3 years na pagsasama namin. Kami nga ang magpapatunay na may forever eh.
*****
"Nag away na naman kayo? Aysus! Hindi na bago yan"
"Loka loka ka talaga Nicole. Pwede bang tulungan mo na lang ako makipag bati kay Marco, hindi ko kayang ganto kami. Please naman"
"Oo na, matitiis ba kita Bianca? Basta ganto ah, last na to! Pagkatapos na may alitan pa kayo, wag niyo na kong idamay. Ilang beses ko na ba kaseng sinabi ko sayo na may something yan Boyfriend mo. Ayaw mo naman makipag break, tss!"
BINABASA MO ANG
Compilation of BiGuel Stories
FanfictionCompilation of Bianca and Miguel Stories By courtneydisney Date started: August 29, 2015