KABANATA 1
"CARA, LIHAM" ibinigay sa akin ni Ginna ang liham. Ewan ko't bakit may palaging liham na darating sa akin linggo-linggo. Simula no'ng isang buwan. Masarap basahin at nakakagaan ng loob ang liham sa bawat babasahin ko ito at tila ba'y kapag binasa mo ito ikaw ay parang may temporaryang boyfriend o kasintahan.
Mahal kong binibini:
Lubos kitang ginagalang bilang isang babae. Sana ay mabasa mo ito, sakali mang mabasa mo ito, malamang hindi mo kilala ang nagsulat nito para sa iyo.
Hindi ako magpapakilala dahil sa nahihiya ako. Alam kong boring ang aking sulat para sa iyo ngunit sana ay magustuhan mo.
Simula sa malayo ako ay nakatanaw sa iyo, sana rin ay mapansin mo manlang ako kahit sandali lamang.
Kung marami kamang iniisip sa buhay mo at may problema ka man, nandito ako, magpapagaan ng iyong damdamin. Huwag kang mag aalala dahil linggo-linggo akong magsusulat para sa iyo. Tandaan mong mahal na mahal kita kahit hindi mo pa ako nakikita o nakikilala.
Lubos na gumagalang
Iyong tagahanga
Napakaganda talaga ng liham na ito. Gustong gusto ko siya makita. Gustong gusto ko siyang makausap tungkol dito at yung handwriting niya rin napakaganda.
Gusto ko rin siya simula nong ikatlong linggo na pinapadala niya sa akin. Dahil dito sa liham na pinapadala niya ako ay napapangiti araw-araw dahil ito nalang palagi ang laman ng isip ko at hindi lang iyon, ito rin ang naging inspirasyon ko.
"Emmmh, napakasarap ng umaga ko!" Naghikab at nakangiti ako sa harap ni Ginna.
"Uy! Uy! Alam mong papagalitan ka ni papa at mama kung malalaman nilang ikaw ay may boyfriend na!" Singhal ni Ginna sa akin ngunit ngumuso ako at pumunta na sa cr para maligo.
Nang makatapos na ako sa pagligo, nagbihis, kumain at pumusok na sa paaralan na may ngiti sa mga labi. Alam mo na, nasa isip na ang liham ng aking tagahanga ko.
"Hi Cara!" Pagbati ni Serina sa akin.
"Hi." Nakangiting bati ko rin sa kaniya.
Siya naman ang aking bestie, the one most prettiest in the world. Siya ang best friend in kalukuhan e.
"May assignment ka?" Bungad niya sa akin, ito na naman siya nanghihingi nanaman, ganito talaga sya at sanay na akong hinihingian niya ako ng kahit na ano. Alam kong walang wala rin siya at alam kong tinatanaw niya iyong utang na loob mula sa akin.
Binigyan ko siya ng assignment ko at tawa pa kami ng tawa noong nag kwento siya about kay Elias na kapatid niya, nadapa daw kasi ito at nakakahiya daw yun dahil sa marami pa talagang tao nangyari.
"Uy Elias!" Lumapit ako sa kaniya. Kakaiba rin ang chemistry ko kay Elias diko maintindihan, ang gaan-gaan ng loob ko kapag siya ang kausap ko.
"Hmm?" Kinusot niya ang kaniyang mata na singkit, mayrong sunglasses siya pero napaka cool niya pagdating doon at bagay rin naman sa kaniya.
"May assignment ka?" Tumango siya sa akin.
Napangiti ako
"Bakit 'di mo pinakopya si Serina?" Tanong ko sa kaniya.
"Ayaw niya." Napakahinhin naman niyang magsalita.
"Ah ganun?"
Umupo na siya sa malapit na bintana. Doon siya nakaupo, katabi niya si Lila.
YOU ARE READING
The Last Love Letter (Love series #1)
RomanceLiham. Elias Alejandro and Caramae De Diaz.