Kabanata 6

3 1 0
                                    

KABANATA 6



"Gusto mong matulog?" Tanong ni Elias sa akin.

"Ouhm." I smiled.

"Here," he pointed his lap. "Dito ka mahiga. Walang unan."

"O-kay. Pero nahihiya ako."

Natawa siya sa inasal ko. Hinila nalang nya ako at napahiga ako sa kandungan niya.

"Matulog ka muna. Alam kong wala kang tulog. Gusto kong makatulog ka ng maayos."

Kinilig ako sa sinabi niya. Behh, para kaming magjowa!

Nakatulog nga ako that time. Nang magising ako ay alas kwatro na.

Hindi manlang niya ako ginising!

"Bakit di mo ako ginising?" Tanong ko sakaniya.

"You look so tired kaya hindi kita ginising. Tsaka ang himbing mong natutulog e." Sabi niya sakin at inalalayan akong makatayo.

"Uwi na ako. Baka pagalitan ako ni kuya if di ako makauwi pa." Tumango si Elias sa akin.

"Mauuna kabang umuwi?" Tanong niya sakin.

Nagsimula siyang magligpit ng hinigaan ko kanina lang. Hindi ako sumagot sa tanong niya. Pinagmasdan ko lang siya.

Nang matapos siya. Nagsalita na ako.
"Done?"

"Yep."

"Tara na." May nakalimutan ako. "Paano ang performance namin ni Roni?!"

"No worries. Si Lila at Roni ang nagpatuloy." He smiled at me.

Ah oky.

Nauna akong maglakad sa kaniya.

Nakasunod siya sa akin. Napahinto ako nang makita ko si Kuya at Serin. Magkahawak kamay.

"Kuya!"

Tawag ko sa kaniya. Lumapit ako. Kanina maganda ang kaniyang mood pero nong makita niya ako agad siyang nairita. Ano bang nagyayari sakaniya?

Bakit biglaan naman yata na nagagalit siya sa akin?

"Ano pang ginagawa mo rito?" He asked me, he  piss again.

"E kayo? Ala, si kuya Andro! Kayo naba ni Serin?" Tumingin ako kay Serin.

Wala siyang emosyon.

"Umuwi kana, Cara. Hindi mo ugaling mangialam. Pero ito nagingialam kana." Sabi niya sa akin.

Hindi agad ako makapagsalita sa sinabi niya. Kaya napatingin ako kay Elias.
"Bakit? H-hindi ko naman kayo pinapakielaman e, nagtatanong lang ako."

"Tama nayan, Pre. Nasasaktan na si Cara sa sinasabi mo." Pagtatanggol sa akin ni Elias.

"Huwag kang makisali dito, Elias." Mahinahong  sabi ni Kuya.

"Umuwi kana. Gumagabi na oh? Hindi kapa uuwi?" Tumango nalang ako kay kuya Andro at nauna ng umuwi.

Tumakbo ako papunta sa bus stop, saktuhan rin nong paparating palang ako ay nandito na kaagad ang bus.

Sumakay ako kaagad. Humabol si Elias pero di siya nakaabot.

Sa likuran ako umupo. Umiyak ako ng tahimik doon at pilit na hindi dibdibin ang sinabi ni kuya kanina. Bakit siya ganon sa akin? Hindi naman ganon dati eh!

Bumaba ako sa bus na tulala. Pumasok ako sa bahay nang matamlay at dinaanan lang sina mama at papa.

Pumasok sa kwarto, nagmukmok, umiyak at namamaga ang mga mata.




The Last Love Letter (Love series #1)Where stories live. Discover now