Kabanata 2

12 1 0
                                    

KABANATA 2




"Bakit kaya hindi na siya nagpapadala, Ginna?" Tanong ko kay Ginna na tagatanggap ng sulat galing sa secret admirer ko.

"Siguro busy lang 'yon kaya hindi nakapagpadala." Sagot ni Ginna sa akin

"Sa bagay." Tumango tango ako.

Napaka boring sa bahay, sabado kasi ngayon.

"Ginna," tawag ko kay Ginna

"Don't tell this to mama and papa ha?"

"Ang alin?" Tanong niya

"Na pupunta muna ako do'n kila Serin, gusto kong bisitahin si Serin." Sabi ko sa kaniya.

Agad siyang tumango at bumalik sa pag aaral niya.

Agad akong nagbihis ng jacket at paldang pang tita's outfit ehe.

Bukid sa kanila kay ganito nalang ang susuutin ko.

Agad akong naglakbay patungo sa bahay nina Serin, excited ako.

"Serin!" Tawag ko sa kaniya mula sa malayo, malayo palang kasi ay tanaw ko na siya

"Cara?" Natatawang tumakbo si Serin sa akin
"Cara ba't ka napadalaw?" Nakangisi niyang tanong

"Wala lang gusto ko lang dalawin ka, boring sa bahay e."

"Aba'y buhay mayaman nga naman." Kinurot ako ni Serin sa tagiliran.

"Kuya Elias si Cara!" Agad akong napangiti na nandito pala si Elias, hala bakit ako masaya?

"Hi Elias, I'm here!" Tawag ko kay Elias, he smiles at me a little bit. "Hindi ba siya masaya na nandito ako?" Tanong ko kay Serin

"Naku si kuya? Masaya iyan. Wala lang siguro sa mood." Sagot niya sa akin.

"Cara pasok tayo ipagtitimpla kita ng gatas." Pag aya ni Serin sa akin ngunit umayaw ako.

"No ayuko," sagot ko kaagad "huwag mo na akong abalahin, Serin. Hindi ako pumunta rito para uminom ng gatas, gusto ko lang talaga makita ka at.."

"At? Si kuya ba?"

Kinurot ko siya

"Huwag kangang maingay!" Hinampas ko siya sa aking kamay na maliit.

"Ikaw talaga, hmm?"

"Serin, may itatanong ako"

"Ano yun?"

"May boyfriend ba si Elias? Sa palagay mo? Si Lila ba at si Elias?" Tanong ko kay Serin.

Napaisip si Serin sa naging tanong ko

"Actually mayroong time na nahuli ko siyang nagsusulat ng liham-" agad ko itong pinutol

"Liham!?" Agad naman niyang tinakpan ang aking bibig mukhang tila'y maingay ah

"Huwag kang maingay, secret lang natin 'to ah?" Tumango ako bilang tugon

"Nong nahuli ko siya, sa tingin ko si Lila iyong pinapadalhan niya e, kasi naman ang tatamis ng mga salitang sinusulat niya roon at sa tingin ko rin kasi may relasyon na silang dalawa, kita mo naman sa classroom 'diba? Napaka sweet nga nila e." Mahabang sabi ni Serin sa akin.

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ni Serin sa akin. Ouch naman, ang sa totoo naman kasi si Elias ang sadya ko rito hindi si Serin.

"Cara, gusto mo ba ng pineapple juice?" Napukaw ako nong inabutan ako ni Elias ng tasa na may juice ng pinya.

"Masarap ba ito?" Tanong ko sa kaniya

Tumango siya

Napaka gwapo niya, ngayon ko lang napansin kahit wala siyang sunglasses ay gwapo parin siyang tignan.

The Last Love Letter (Love series #1)Where stories live. Discover now