Kabanata 3

7 1 0
                                    

KABATANA 3



"WATERFALLS!" Sigaw ko dahil sa excitement, gusto ko ng maligo!

"Dahan-dahan lang Cara," payo ni Elias sa akin nang tumalon talon ako sa tubig na nanggagaling sa itaas.

Maganda ang lugar si kuya at Serin naman ay naghahanda ng aming kakainin.

"Cara, tulungan mo naman kami dito" sabi ni Serin.

Pumunta ako sa kanilang dalawa, tapos nakita kong may kunting hiyang nararamdaman si Serin alam ko iyun, may gusto siya sa kuya ko e.

"Kuya ano 'to?" Tinanong ko siya tungkol sa clip na pangbabae. "Sa'kin ba ito kuya?"

Umiling siya.

"No, 'wag mong pakialaman 'yan." Kinuha niya sa akin iyun. Ngumiti ako

"Kuya ibigay mo kay Serin, may gusto siya sa'yo!" Nanlaki ang mata ni Serin sa narinig. Hindi niya iyun inaasahan.

"Cara!" Natawa ako sa reaksyon niya at hinabol ako habang dala-dala ang pang sandok sa mga pagkain. "Halika rito!"

"Bleee ewan ko sa'yo!"

"Tama na 'yan, Cara at Serin. Ba ka mapano pa kayo n'yan." Saway sa amin ni kuya Andro.

"Mabuti pang kumuha ka muna ng kahoy, Cara." Utos ni kuya na sinunod ko naman.

"Okay." Lalakad na sana ako nang magsalita si Elias.

"Hindi, ako na ang kukuha."

"No ako nalang." Nauna akong maglakad sa kanya.

"Sege tayo nalang dalawa." Aayaw na sana ako pero kumuha na siya ng plastic para lagyan ng panggatong.

Nilibot ko ang paningin ko sa pagkukuhaan namin ng panggatong. Si Elias naman ay seryosong nangunguha. Kaya naisipan kong magsalita.

"Elias, pwede ko bang malaman kung sino ang nagpadala ng liham para sa akin?" Napatigil siya sa pagpulot ng maliit na sanga ng kahoy.

"Bakit mo natanong?" Sabi niya at nagpatuloy sa pagpulot.

"Wala lang. Alam mo bang miss ko na ang sulat niya? At saka, bakit hindi na siya nagpapadala sa akin ng liham? Nagtatampo ba siya? O ba ka may nangyaring masama sa kaniya? Nawoworried na ako sa kaniya, Elias. Miss na miss ko na ang sulat niya." Nahuli ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"Nagseselos siya."

"Ha?"

"Ah wala! Magpulot ka nalang, Cara. Ba ka mapagalitan kapa ng kuya mo."

Imbis na magsalita. Sinunod ko nalang siya. Nagpupulot narin ako ng mga sanga para ipanggatong.

"Ang tagal n'yo naman." Reklamo ni Serin.

"Tapos na kayo?" Tanong ko

"Hindi pa," si kuya ang sumagot

"pwede na ba akong maligo?" Tanong ko sa kanilang tatlo

"Ligo na tayo,Serin?"

"Mamaya na muna."

"Sege na, please sege na!" Pagmamakaawa ko, gustong gusto ko na maligo

"Maligo kana, Serin samahan mo nalang si Cara ba ka mapa'no pa sya." Napa yey ako sa sagot ni kuya. Huhubarin ko na sana  damit ko nang magsalita si Elias

"Cara, huwag kang maghubad." Napatingin ako sa kaniya

"Huh?"

"Huwag kang maghubad, Cara may lalaki kang kasama." Sabi ni kuya.

The Last Love Letter (Love series #1)Where stories live. Discover now